Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie pinapapayat din si Angelica

Roldan Castro

Samantala, pinag-uusapan din ang pagbawas ng timbang ni Lloydie ngayon. In-encourage rin ba niya ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban na magpapayat?

“Hindi kami nag-i-imposed ng ganoon sa aming relasyon o sa isa’t isa. ‘Yun sa akin kasi, personal ‘yung sa akin. When I got the offer. From ano, ‘yun parang it’s gonna be convenient to say no rather than entertain the challenge and accept it. ‘Yun ang parang naging struggle ko kaya ko tinanggap pero hindi ibig sabihin niyon dahil eto..nasa ganitong  program ako, nagpapayat ako parang i-imposed ko ‘yun sa partner ko. ‘Di ba? Maski ako rin, minsan napaka-personal ng desisyon na ‘yun,so, ‘yung desisyon dapat ay manggaling sa iyo at dapat gawin mo para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao. So, wala kaming naging  ganoong usapan,” aniya pa.

Noong hindi pa ganoon kaganda ang katawan niya ay naghuhubad na siya sa movie at sa Home Sweetie Home, ipapasilip din ba niya ang bagong katawang?

“Hindi naman talaga ano sa akin kumbaga hindi sa wala akong pakialam pero secondary sa akin ang looks, eh! Siyempre, mas imporatante sa akin ‘yung maideliver ‘yung hinhingi ng character ko. ‘Yung maideliver ko kumbaga maibigay ko muna ‘yung ibinibigay ng eksena. ‘Yung nire-required ng script. Kung sa mga pagkakataon sa pelikula na maghuhubad ka, kailangang matanggal ‘yung shorts mo, okey lang sa akin as long as sa director ko, okey lang kahit wala kang six packs.”

Ilang packs  na ba siya ngayon?

“Sapak,” pagbibiro niyang sagot.

Parang nahihiya si Lloydie na malaki ang expectation sa kanya ng mga tao sa pagpapaganda ng katawan samantalang ginawa lang naman daw niya para sa challenge. Basta, hindi nagbago ang pananaw niya at values sa craft niya . Kung kailangang magtanggal siya ng shorts, gagawin niya.

Natawa rin si JLC sa tingin ng tao sa kanya na kung dati ay yummy siya, ngayon ay yummier. Hindi raw niya iniisip ang bagay na ‘yun.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …