Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

76-anyos lolo utas sa sunog (Habang tumatakas sa apoy)

TOSTADO ang isang lolo nang madaganan ng ka-gamitan habang sinisikap tumakas sa nasusunog nilang bahay, sa lungsod ng Quezon kahapon ng tanghali.

Kinilala ni QC Fire Marshal Supt. Jesus Fernandez ang biktimang si Jose Narciles, 76, ng No. 6 Irid St., Brgy. San Martin de Porres.

Sa ulat, dakong 12:55 p.m. nang sumiklab ang sunog sa lugar.

Ayon sa anak ng biktima, si Prudence Narciles, nabagsakan ang kanyang ama ng mga gamit kaya siya na-trap sa loob ng nasusunog na bahay.

Nabatid, nagpapa-init ng tubig ang biktima gamit ang kalan na de-kahoy sa kanilang kusina nang magkasunog na hindi pa malaman kung saan nagmula.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog at dalawang bahay ang nadamay habang tinatayang nasa P800,000 halaga ang nilamon ng apoy.

(Almar Danguilan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …