ni Alex Brosas
GUSTONG-GUSTO ni Sarah Geronimo ang smile ng Maybe This Time leading man niyang si Coco Martin.
“Noong ‘Idol’, ang napansin ko sa kanya ‘yung smile niya talaga. Kapag naririnig ko ang Coco Martin at every time na nakikita mo siya sa mga commercial niya especially sa mga commercial niya kasi sa mga teleserye o pelikula lagi siyang dramatic actor, umiiyak, pero ‘pag nakikita ko ang commercials niya. Nakikita ko ‘yung bright smile niya. ‘Yun ‘yong tumatak,” say ni Sarah.
Ayaw sabihin ni Sarah kung naging crush niya si Coco basta, “napansin ko lang, ‘ay maganda ang smile niya.’ Sabi ko nga, siya lang ‘yung may ganoong smile na nawawala ‘yung mata niya.”
The Pop Star is hoping na, “maybe this time, sana ma-appreciate ‘yung pagiging aktres ko kasi kilala po ako sa paggawa ng rom-com, pa-tweetums, may kilig, pa-cute. Sana this time ma-appreciate ng tao ‘yung aking effort na mag-level up ‘yung aking acting skills.”
Ayon pa rin sa dalaga, “may lalim ang love story namin. Kasi sa umpisa akala mo pa-cute pero ‘yung pinagmulan ng pag-iibigan namin, bakit ganoon katindi ang lines namin doon na mapapanood ninyo sa journey ni Tonio at ni Teptep.”