Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TV5 TodoMax Primetime Singko

TV5 TodoMax Primetime Singko mas pinalakas ng Bigating Kapatid Dramas

MASpinalakas pa ng TV5 ang primetime viewing experience ng Kapatid viewers sa paglulunsad ng mas bigatin at mas exciting na TodoMax Primetime Singko — siguradong must-watch gabi-gabi.

Magsisimula ang weeknights sa 5:30 p.m. sa Una sa Lahat, ang early evening newscast ng TV5 na nagbibigay ng timely at relevant updates habang papasok ang mga Filipino sa primetime viewing. 

Susundan ito ng Frontline Pilipinas, 6:15 p.m., na patuloy na naghahatid ng credible at in-depth reporting sa pinakamahahalagang balita ng araw. 

Pagpatak ng 8:00 p.m., todo sa aksiyon naman ang hatid ng Totoy Bato, ang tentpole series ng TV5 na pinangungunahan ni Kiko Estrada sa iconic role na hango sa komiks ni Carlo J. Caparas at sa pelikula ni Fernando Poe Jr

Sinusundan dito ang kuwento ni Totoy habang ipinagtatanggol niya ang Pook Paraiso laban sa makapangyarihang pamilya at malulupit na puwersa. Mas lalong naging kapana-panabik ang serye sa pagpasok nina Claudine Barretto, Janno Gibbs, Eula Valdez, Diego Loyzaga, at Cindy Miranda.

Nagbabalik naman sa 8:45 p.m. sa primetime telecast ang Nag-aapoy na Damdamin, ang drama-romantic thriller na pinagbibidahan nina JC de Vera, Jane Oineza, Tony Labrusca, at Ria Atayde. Ang ABS-CBN–TV5 co-production na ito ay kilala sa kuwento ng pag-ibig, pagtataksil, at panlilinlang. 

Ngayong mapapanood na ito sa mas malakas na primetime slot, pagkakataon na ito para sa mga manonood na hindi ito nasubaybayan noon — at para muling masilayan ng mga minahal ang dramang hinangaan sa lalim ng mga karakter, tapang ng kuwento, at punompuno ng emosyon na acting performances.

Tatapos sa gabi sa 9:30 p.m. ang Pira-pirasong Paraiso, isa pang co-production na romantic drama na pinagbibidahan nina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson. Gaganap si Loisa bilang Baby Girl, isang con artist na papasok sa mapanganib na misyon ng pagpapanggap bilang isa sa matagal nang nawawalang kapatid ng isang bata at mayamang babae. 

Kaharap ang isang mundong puno ng panlilinlang at intriga, lalaban ang karakter ni Loisa sa hamon ng pag-ibig at pamilya, at sa mga katotohanang magbabago ng kanyang pagkatao.

Sa mas pinaigting na lineup na ito, muling pinagtitibay ng TV5 ang pangako nitong maghatid ng TodoMax entertainment—isang kombinasyon ng impormasyon, aksyon, at emosyonal na mga kuwento– pinagsasama ang mga pamilyar na kuwento sa isang bigating primetime block para sa Kapatid viewers. Todo-todo tayo, Kapatid, mula news hanggang primetime drama. Abangan ang mas matinding TodoMax Primetime Singko gabi-gabi sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Nico Antonio Lala Sotto MTRCB

Bagong MTRCB Board Members nanumpa

HARD TALKni Pilar Mateo PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas talaga ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM …

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Debbie Lopez Ariel Daluraya

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Bloodletting na ginanap noong February …

Nadine Lustre Leni Robredo

Nadine muling susuportahan si Leni sakaling tatakbong pangulo

MATABILni John Fontanilla MALAYO pa man ang presidential election ay very vocal na si Nadine Lustre sa …

Bam Aquino Sexbomb

Bam Aquino mainit na tinanggap sa SexBomb concert

NAKAKUHA ng mainit na pagtanggap si Sen Bam Aquino mula sa manonood sa pagdalo niya sa Get Get …