Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Angel at Luis, ‘di pa this year

ni Roldan Castro

Tungkol naman sa personal ni Luis, happy siya ngayon at lumusog ng 10 pounds.

Parang part na ng family si Angel Locsin. Noong Mother’s day nakita sa social media ang larawan nila na kasama si Gov. Vilma Santos-Recto, si Sen. Ralph at si Ryan Christian.

Hindi itatago ni Luis ang pakiramdam niya na masaya sa piling ni Angel at genuine ‘yung makasama siya ng pamilya.

Tama ba ‘yung sinasabi nilang love is lovelier the second time around?

“Definitely,” mabilis niyang sagot.

“Kasi mature Luis, mature Angel na. Kumbaga, mas mature, nakikita na namin ang pagbabago ng isa’t isa. Mas malalim na ‘yung love. Hindi na kami bumabata. Alam na namin ‘yung pagkukulang namin dati. Now we talk, dati minsan tinutulugan namin ang problema,” aniya pa.

So, nakikita na ba namin ang kasal na magaganap?

“Oo, hopefully soon. Napag-uusapan na naming. Very casual  matter pa lang naman,” sey pa ng 33-anyos na TV host/actor.

Pero sinisigurado niyang hindi sa taong ito magaganap.

Hindi ba siya naiinggit kay Jericho Rosales at sa ibang taga-ASAP na ikinasal na?

“I’m happy for him pero hindi ako inggit. Kasi ‘pag sinabing inggit baka pine-pressure ko na ang sarili ko,” sey pa niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …