Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mommy Inday, may sulat para kina Greta at Marjorie

 

ni Ronnie Carrasco III

RARELY does Mrs. Inday Barretto grant on-camera interviews, pero sa nakaraang episode ng Startalk ay nagpaunlak ang butihing ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine na makapanayam ni Ricky Lo.

Marahil, napatapat kasing Mother’s Day ang episode na ‘yon, so what better way to express such maternal feelings than choosing an important day na inilaan naman talaga para sa mga ina.

Malinaw ang tanging pakiusap ni Mommy Inday kina Gretchen at Marjorie: Stop. At kung ano ang kanilang dapat itigil, ‘yun ay ang patuloy umanong siraan ang kanilang bunsong kapatid na si Claudine.

We will not dare argue with a mother’s opinion, nasa katwiran man ang ina o hindi.

A mother is a mother is a mother.

At kapaniwalaan na sa ating mga Pinoy na kung ano ang ginawa mo sa iyong magulang, asahan mong ‘yun din ang gagawin ng iyong anak.

Dito kami medyo nababahala para kay Gretchen. As a mother, hindi siguro in question ang paraan ng kanyang pagpapalaki sa nag-iisang anak na si  Dominique.  But what if Dominique—God forbid—turns out exactly like her mother to her mother?

Nakalulungkot na mula nang magkagulo-gulo raw ang mga magkakapatid, dumaan ang mga Pasko, mga kaarawan nila, Mother’s Day, Father’s Day at ilan pang mahahalagang okasyon sa pamilya Barretto, Gretchen and Marjorie have since ceased sending their heartwarming greetings.

Sa tanong kung may pag-asa pa bang maghilom ang mga sugat bunga ng sigalot sa Barretto family, only time can tell.

Sana lang ay lumawig pa ang buhay ng mga magulang ng warring sisters na ito, without having to wait for an unfortunate event para lang magkaayos-ayos sila.

May itinatago raw kasing sulat si Mommy Inday para kina Gretchen at Marjorie na maaari lang daw buksan once she closes her eyes.

And you know exactly what we mean.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …