ILANG buwan pa lamang pumoporma ang Hire & Keeps (H&K) Porterage Services sa NAIA pero mukhang agad itong bumulusok na parang bulalakaw na tinirador mula sa kalawakan.
Nag-start ang H&K last March 01, 2013 na hawakan ang porterage sa airport, kung ‘di pa pumapalya ang memory of some of my airport Bulabog boys.
Sa impormasyong nakalap natin mula sa tanggapan ni MIAA general manager Jose Angel Honrado, ilang malapit na kaanak ang nagtatag ng service provider na nag-ala dagang dingding sa loob ng airport.
Parang pumasok sa isang pasugalan na walang pera o puhunan pero nang lumabas ay kumita pa!?
Tama ba ako, Ma’m Tetet?
Ibig sabihin ba nito ay walang kapital ang H&K kundi lakas ng loob at koneksiyon sa mga taong nasa top post ng Manila International Airport Authority (MIAA)?
So, after one year of porterage operation, mukhang magpapaalam na raw ang grupo na ang sinasabing timonero ay sina OIC Supervisor LIWANAG at LITO.
Ang balita ay magbi-bid goodbye ang H&K kung opisyal nang papalitan ng D’ Prada Manpower Agency na matagal na umanong service provider ng Philippine International Airport Terminal Corporation (PIATCO).
Kunsabagay kung naka-one year na nga naman ang H&K ay masasabing boundary na ang bright boys na nasa likod ng pagtatatag nito.
Kasama ba sa mga sinasabing founder nito ang isang MIAA official?
Kasosyo rin ba ang isang Mr. Lazatin na distant relative ng isang high ranking official ng MIAA?
Just asking lang po…
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com