Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ashley, bagong Rufa Mae ng Viva; Chloe, walang takot magpakita ng butt

ni  ROLDAN CASTRO

HUMAHATAW ang dalawang Viva Artists Agency   (VAA) talents na sina Ashley Rivera and Chloe Dauden. Magkasunod sila na cover ng FHM Magazine para sa April and May issue.

Cover girl ng April issue si Ashley. YouTube sensation  siya at mas kilala sa tawag na Petra Mahalimuyak.

Pero iniwan niya ang pangalang Petra Mahalimuyak na nagpasikat sa kanya dahil desisyon ni Boss Vic Del Rosario na tunay niyang pangalan ang gamitin.

Right now, may sarili nang show si Ashley sa Viva TV, ang Dobol or Samting na hosts sila ni Fabio Ide.

Ibi-build up siya bilang bagong Rufa Mae Quinto na sexy pero komedyana. Agree naman siya na sundan ang yapak ni P-Chi (tawag kay Rufa Mae) kasi wala naman daw ibang kapares. Bukod dito, kikay naman daw siya at lukaret din.

Si Chloe naman ay may puhunan na talaga bilang celebrity dahil dati siyang beauty queen. Naging 2012 Miss World-Philippines Second Princess  sa pangalang Martha Chloe McCulley. Bago ito ay naging suitcase girl siya sa Deal or No Deal.

Mapangahas ang pictorial   ni Chloe sa FHM na cover girl siya  ng May. Wala siyang takot na magpakita ng butt.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang lola na si Marlene Dauden dahil nasa abroad ito. Nasa early ‘70s na si Marlene. Ayon kay Chloe,   tumaba na ang kanyang lola at muntik nang bumalik sa  showbiz pero naudlot daw ang proyektong  pagsasamahan nila.

Inamin  ni Chloe na rati ay textmate sila ni Aljur Abrenica. Halos isang buwan na regular na ginagawa ni Aljur  hanggang kusang tumigil. Naging busy daw siya noon sa activities ng  Miss World-Philippines at  hindi niya minsan nasasagot ang text. Type naman niya ang magandang katawan ni  Aljur pero hindi  niya bet na gawing boyfriend ang mas bata sa kanya.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …