HINDI na ako nagtataka kung bakit mara-ming foreigners, mga balikbayan at mismong mga Pinoy na nagto-tour ang nahihiya talaga sa itsura ng ating Airport.
Ang hirap talagang maipagmalaki kasi simpleng pagpapalamig lang ng temperature sa loob ng mga gusali ng Airport ‘e hindi pa mamantina ng terminal managers.
Gaya na lang nitong Biyernes, grabe ang INIT sa Immigration departure Immigration area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Nang tanungin natin kung bakit, e sira daw ‘yung dalawang SPLIT TYPE na air conditioning unit.
Ganun din sa arrival area,kahit sa gabi grabe ang init.
Tsk tsk tsk …
Wala man lang bang pamibili ng IWATA cooling fan ang NAIA para i-boost ang temperature sa loob ng Airport para sa kapakanan ng mga pasaherong nagbabayad ng terminal fee at travel tax?
Pati ‘yung mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya sa airport, tagaktak ang pawis.
‘E di ba summer nga!? Hindi man lang ba nila naisip na kailangan may alalay ‘yung air conditioning system nila?
Problema lang ng air conditioning unit kailangan pa bang pakialaman ng MIAA general manager ‘yan?
Ano hinihintay ng terminal 2 manager? Dumaan si PNoy at muling humingi ng dispensa sa mga pasahero dahil sa PALPAK na air conditioning system?
Baka sa grabeng init d’yan ‘e isang araw mabalitaan natin na may nagwalang foreigner dahil sa sobrang init.
Hihintayin pa ba ng NAIA Terminal 2 authorities na magkaroon ng ganyang insidente?
Umaksyon naman kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com