‘YAN po ang problema ng commuters at mga motorista sa Parañaque City lalo na po sa mga taga-Multinational Village dahil sa perhuwisyong TRAFFIC LIGHTS.
Opo, ang tatlong traffic lights ay hindi nakatutulong sa pag-igi ng daloy ng mga sasakyan sa nasabing area kundi nagiging sanhi pa ng BOTTLE NECK (IMBUDO) ng trapiko.
Ang unang traffic light nakapwesto sa kanto ng Multinational at Sucat Road; ang ikalawa, sa harap ng Duty Free Phils.; at ang ikatlo ay sa kanto ng Sucat Road at Brgy. Sto. Niño.
‘Yan 3 traffic lights na ‘yan ay hindi po nagkakalayo.
Wala sanang problema kung synchronized o magkakaayon sa kanilang function ang tatlong traffic light.
Ang siste hindi nga synchronized kaya ‘yung mga lumalabas sa Multinational at galing sa Sucat ay inaabot nang siyam-siyam.
Kapag nakalabas naman sa Sucat Road maiipit na naman dahil hindi naka-go ‘yung sa Sto Niño.
Kaya talagang hindi nakatutulong ‘yang tatlong traffic lights na ‘yan.
Ang ipinagtataka pa nga natin, bakit ganyan kasinsin at kasudsod ang traffic lights sa area na ‘yan?!
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman, Atty. Francis Tolentino, Sir, kanino pa dapat ireklamo ang traffic lights na ‘yan?
Marami na po ang nagrereklamo pero mukhang DEADMA lang ang mga awtoridad.
Mayor EDWIN OLIVAREZ, makikisuyo na po sa inyo, paki-CHECK ang tatlong traffic lights na ‘yan d’yan sa area na ‘yan.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com