Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, ‘di imposibleng mahalin ni Kris

ni  JOHN FONTANILLA

ISA nang Certified Regal baby si Derek Ramsay dahil sa pagpirma nito ng exclusive contract sa Regal Entertainment na isang comedy/drama ang unang gagawin nito sa Regal. Makakasama ni Derek ang controversial presidential sister at magaling na host/actress na si Kris Aquino na pamamahalaan ng direktor na si Erik Matti.

Kaya naman daw pihadong mali-link na naman ang dalawa sa pagsisimula ng kanilang pelikula lalo na‘t parehong single and available ang mga ito. Marami nga ang nagsasabing hindi naman daw malabong main-love si Kris kay Derek lalo na‘t guwapo, matipuno, at very gentleman ang hunk/actor na ilan sa gusto ni Kris sa isang lalaki.

Ang tanong ng bayan? After Mayor Herbert Bautista, si Derek na ba ang lalaking magpapatibok ng puso ni Kris at siyang magiging bagong lalaki sa buhay ng Queen of Talk Show. ‘Yun na!

ARJO, KABADO SA NEW SOAP  NA PURE LOVE!

NAPI-PRESSURE raw ang isa sa maituturing na mahusay na teen actor ng ABS-CBN na si Arjo Atayde sa kanyang bagong soap, ang remake ng Pure Love na unang ipinalabas noong 2011 na ang tunay na titulo sa Korea ay 49 Days.

Makakatambal ni Arjo sa kauna-unahang pagkakataon ang isa sa kanyang showbiz crush na si Alex Gonzaga na ngayon ay nasa loob pa ng Bahay ni Kuya bilang housemate. Pero 100% naman daw ang ibinibigay ni Arjo para mas mapaganda ang kanilang soap ng sister ni Toni.

Wish nga ni Arjo na sana ay mag-click ang una nilang pagtatambal ni Alex para magkaroon pa ng tsansang magkatrabaho silang muli sa marami pang proyekto ng ABS CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …