Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alexa, thankful na si Nash ang naka-loveteam!

ni  Rommel Placente

NAGSIMULA ang Luv U mainstay na si Alexa Ilacad bilang isang commercial model at the age of 2 bago siya napasok sa showbiz. Ilan sa mga nagawa niyang commercials ay ang Smart, Vaseline, Colgate. Ponds, Jolibee at marami pang iba. Ikinuwento sa amin ni Alexa kung paano siyang napasok sa showbiz.

“Nag-audition po ako sa ‘Goin’ Bulilit’. That time po ay eight years old ako,”  kuwento ni Alexa.

Dahil maganda at biba si Alexa kaya napili siya para sa nasabing kiddie show ng ABS-CBN 2.

Pero muntik na palang hindi napasok sa Goin’ Bulilit si Alexa dahil gusto nang umayaw ng mommy niya sa audition.

“Sobrang dami po kasing nag-audition na mga bata, mga 3,000 po.

“Tapos wala pong mga upuan at ang init-init pa po talaga,” pagbabalik-tanaw ni Alexa.

“Sabi ng mommy ko, ‘Gusto mo pa ba? (mag-audition).  Uwi na tayo!’ Gumaganoon siya.

“Sabi ko, gusto ko talaga kaya itinuloy ko pa rin po na mag-audition.

“Hanggang sa may nag-text kay mommy na taga-ABS. Sabi sa text,  bumalik daw po kami sa ABS dahil gusto akong makita ni direk Bobot (Edgar Mortiz-direktor ng ‘Goin’ Bulilit’).

“Ayun nagtatalon po kami sa tuwa ni mommy,”natatawang sabi pa ni Alexa.

Nang mapasok na sa Goin’ Bulilit ay nagkasunod-sunod na ang guesting ni Alexa sa mga show ng Kapamilya Network.

“Naging young Kristine Hermosa po ako sa ‘Nasaan Ka Maruja?’  Tapos naging younger sister po ako ni  Melissa Ricks sa ‘Nasaan Ka Elisa?’

“Tapos nag-‘Maria Mercedes’ din po ako bilang batang Jessy Mendiola.”

Nang mawala na sa Goin’ Bulilit si Alexa dahil teen-ager na siya ay inilagay siya ni Direk Bobot sa Luv U bilang kapareha ni Nash Aguas.

“Sa Goin’ Bulilit pa lang po ginu-groom na kami ni Nash bilang loveteam.”

Natutuwa si Alexa na si Nash ang naging ka-loveteam niya dahil matagal na raw niyang crush ito.

“Pero aside po sa pagkakaroon ko ng crush sa kanya kaya natuwa rin po ako na siya ang naging kalove-team ko kasi very professional po siya at maalaga sa kapareha niya.

“Marami rin po akong natutuhan sa kanya.

“Rati po pinapanood ko lang siya (Nash) sa TV, ngayon love-team ko na siya,” sambit pa ni Alexa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …