Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty is my revenge! ganti ni Bella sa mga nang-aapi sa kanya!

ni   Maricris Valdez Nicasio

ANG isa pang teleseryeng paganda rin ng paganda ay itong Mirabella na pinagbibidahan ni Julia Barretto. Bukod sa maganda ang istorya, mabilis din ang pacing nito at magagaling din ang mga artistang nagsisiganap.

Sa kuwento’y gumanda na rin si Mira sa tulong ng yellow flower. Ang dating Mira ay naging Bella na ngayon. Exciting ang part kung paano niresbekan ni Mira (bilang Bella) ang mga umapi sa kanya. Maririnig natin na sinasabi ni Mira na, “Beauty is my revenge!”

Nakakikilig naman ang tagpong inamin na ni Jeremy (Enrique Gil) na mahal niya si Mira. Sa totoo lang, marami ang nainggit sa tagpong iyon kay Mira.

Nagsimula na rin ang paghahanap kay Bella. Isa kasing beauty line ang nagnanais na makuha siya para maging brand ambassador, bongga! At isa si Jeremy sa binigyan ng responsibilidad ng owner ng company para hanapin si Bella at dalhin sa kanya. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Jeremy sa oras na makaharap na niya si Bella? Exciting ha!

Sa magandang nangyayaring ito sa teleserye ni Julia, pinatutunayan lang niyang she is worthy of the build up na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN. She now belongs to the league of ABS-CBN’s teen drama princesses.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …