Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea at Raikko, magbibigay-pugay sa mga ina sa Wansapanataym!

ni   Maricris Valdez Nicasio

ALAY sa mga mapagmahal na ina ang Wansapanataym special nina Andrea Brillantes at Raikko Mateo sa Sabado (Mayo 10). Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwentong My Guardian Angel, mas ipauunawa nina Andrea at Raikko sa mga kapwa nila bata ang halaga ng pagmamahal ng mga nanay.

Sa kanyang pagpapanggap bilang isang normal na bata, mararamdaman ni Kiko (Raikko) ang pagmahahal ng isang ina sa pag-ampon sa kanya ng pamilya ng binabantayang si Ylia (Andrea). Ngunit sa kabila ng intensiyon ni Kiko na makatulong ay magsisimulang magselos si Ylia sa bago niyang kapatid dahil sa atensiyong ibinibigay ni Carol (Mylene Dizon) dito.

Paano maaayos ni Kiko ang relasyon ni Ylia sa kanyang pamilya ngayong galit ito sa kanya? Tampok din sa My Guardian Angel sina Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Jon ‘Sponky’ Villarin.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng month-long special nina Andrea at Raikko sa Best Development-Oriented Children’s Program ng 2014 Gandingan Awards, Wansapanataym, pagkatapos ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …