Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wowie, sobrang apektado sa pagkawala ng asawa

ni  ED DE LEON

TALAGANG malungkot ang nangyari sa buhay ni Wowie de Guzman. Isipin ninyong kapapanganak pa lamang ng kanyang asawa, namatay na agad iyon. Matapos daw na manganak ay naging unstable na ang blood pressure ng kanyang asawang si Sheryll Ann Reyes. Nang minsan daw na sumama ang katawan niyon ay uminom lamang ng karaniwang gamot, pero pagkatapos niyon ay lalong sumama ang pakiramdam. Isinugod nila iyon sa ospital pero hindi na nga na-revive. Nakaburol iyon ngayon sa kanilang tahanan sa Lubao, Pampanga, at si Wowie hindi pa rin makausap dahil sa labis na paghihinagpis dahil sa nangyari sa kanyang asawa.

Simula nang magpakasal sila ay iniwan nga ni Wowie ang showbusiness, nagsikap sa negosyo para sa kanyang pamilya. Matapos magkaroon ng unang anak, nawala naman ang kanyang asawa. Isang buwan pa lamang ang anak nila.

Siguro nga hindi na madarama ng kanilang anak ang sakit ng nangyari, dahil wala pa naman iyong malay, pero matinding dagok talaga iyan para kay Wowie. Mahirap ding mawalan ng partner sa buhay, lalo na nga ngayong may isang anak na kailangan pa niyang pangalagaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …