ni Nonie V. Nicasio
AMINADO si Meg Imperial na mas close siya kay JC de Vera, kaysa kina Dominic Roque, at Miko Raval. Magkakasama ang apat sa TV series na Moon of Desire sa ABS CBN.
Ayon kay Meg, magkakaiba ang ugali ng tatlo sa co-stars niya sa naturang drama series. “Si JC, gentleman siya, very tahimik pero kapag kakuwentuhan mo ay okay naman siya. Kabaligtaran ni Dom, dahil si Dom is very outspoken, makuwento rin siya and he loves food. Si Miko naman, kasi, I don’t know him that well pa since wala pa kami masyadong bonding together.
“Pero, if I will choose between the three, si JC ang pipiliin ko. Kasi, mas kilala ko na siya kaysa kila Dom at Miko, plus siya ang madalas ko kasing kaeksena e,” esplika ng aktres.
Pagdating naman sa isa pang aktres sa Moon of Desire, inusisa namin si Meg kung may patalbugan bang namamagitan sa kanila ni Ellen Adarna, since pareho naman silang nagpapa-sexy din. “Ah… wala namang patalbugan na nangyayari sa amin dito. magkaiba naman kasi kami ng sexiness ni Ellen. Pero aminado ako na she’s sexier than me,” paliwanag pa ni Meg.
“Walang ganoon sa amin ni Ellen, parehas naman kasi ang binibigay sa aming treatment dito. Isa pa, mayroon naman kasi kaming kanya-kanyang strength pagdating sa acting e,” dagdag pa niya.
Bakit mo nasabing mas sexy sa iyo si Ellen?
“Ellen is really sexy physically e. Kita naman po e, hindi ba?”
Sinabi rin ni Meg ang kanyang ginagawa para maging fit at sexy, na mas kailangan para sa role niya rito. “Mahirap kasi kapag taping at maraming pagkain, napapakain ka, siguro with the support of the cast ay namo-motivate ka to go to the gym. So, tulong-tulong lang dito sa set and siyempre sa sarili mo rin, dapat may proper motivation ka pati na rin sa food.”
Itinuturing ba niyang biggest break sa TV itong Moon of Desire?
“Yes, puwede rin sabihing biggest break. Pero actually, hindi naman po ako basta na lang nakuha somewhere at binigyan ng break. Naghirap din po ako for years…
“Nag-umpisa ako bilang passersby,’yung extra lang bale. Nagsimula talaga ako bale sa wala, since nine years old ako. So, I think, I deserve a break naman. Plus naniniwala ako na ang lahat ng bagay ay may kanya kanyang time to shine and nagkataon po na it’s my time,” wika pa ni Meg.
Ang Moon of Desire ay napapanood pagkatapos ng It’s Showtime.
Mojak, tampok sa Power of Love sa The Library, Metrowalk
MAKIKITANG muli ang kakaibang galing ni Mojak bilang performer sa May 10 sa kanilang Mother’s Day show sa The Library, Metrowalk, Ortigas na may titulong The Power of Love. Kasama niya rito sina Aileen Papin, Garry Cruz, Kenjie Mercado, at Blanktape.
Ayon sa manager ni Mojak na si Ms. Jackie Dayoha, posibleng may mga surprise guest sila naturang show.
Lalong gumaganda ang career ng singer-comedian na si Mojak sa ilalim ng pangangalaga ng talent manager na si Ms. Jackie. Nakasisiguro ang dating sing-along master/stand-up comedian na mas magiging busy siya sa kaliwa’t kanang projects na ibibigay ng kanyang manager.
Bukod sa indie movie na Balwarte ng mga Engkanto na gumaganap siya bilang faith healer, plano ring gawan ng album si Mojak. At dahil si Ms. Jackie ay isang businesswoman at producer din ng mga show sa Japan, Amerika, at iba’t iba pang bansa, kasalukuyang inaayos na niya ang magiging show ni Mojak sa abroad. Talented kasi ang look-alike na ito ng singer/comedian na si Blakdyak, dahil bukod sa pagkanta ay composer din ito.
Ano ang repertoire niya sa kanilang show? “Variety po e, like, kakantahin ko po ang Hey Mama by Black Eyed Peas, Modelong Charing by Blakdyak, Everyday I Love You by Boyzone po at iba pa. Plus siyempre, may mga comedy silang mapapanood ditto,” saad ng kuwelang performer.