Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gladys, na-offend sa tanong ni Tito Boy kay Wowie (Kris, walang takot at nerbiyos kung magyabang)

ni  Alex Brosas

ANO ba ‘yan, mukhang nagkakalat ang mag-best friend na sina Kris Aquino at Boy Abunda, ha.

We’re saying this kasi tinuligsa si Kris sa kayabangan niya nang ipingalandakan kay Andrew Garfield, bida ng Spiderman, na mas mataas ang opening day gross ng movie nilang My Little Bossings nang mainterbyu niya ito.

Then, nang makausap naman niya si Jamie Foxx na kasama rin sa Spiderman movie ay walang gatol naman niya itong sinabihan na she’s being called the Oprah Winfrey of the Philippines. Ganoon kalakas kung magyabang si Kris, walang katakot-takot, walang kanerbiyos-nerbiyos.

Now, si Tito Boy naman ngayon ang binabatikos dahil naging “insensitive” raw ito noong interview niya with Wowie de Guzman.

Hindi namin napanood ang episode pero nabasa namin sa isang popular website na nag-react ang isang follower ni Gladys after watching the interview.

“Boy Abunda starts his interview with Wowie de Guzman by posing a rather offensive question,” one follower of Gladys tweeted.

“I agree”, sagot naman ni Gladys. Then she tweeted, “Hindi ako magka-get over. Bilang kaibigan parang how insensitive para itanong ‘yun at para sa first question?! Spell INSENSITIVE?!!!”

But later, binura na ni Gladys ang message niya. Bakit kaya? Natakot kaya o nahiya kaya siya kay iTto Boy?

Anyway, since hindi namin napanood ang show, ano ba ang first question ni Tito Boy na offending? Was he not aware na medyo offensive ang tanong? Personal question ba niya ‘yon o tanong na ibinigay sa kanya ng writer ng show?

But knowing Tito Boy, tiyak na gagawa ng paraan ‘yan para maayos ang issue. Tiyak na magso-sorry ‘yan lalo pa’t alam niyang naka-offend siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …