Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gab, sumali sa America‘s Got Talent!

ni  John Fontanilla

KASAMA ang anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Gab sa nangangarap mapabilang sa listahan ng mga winner ng  sikat na American reality show na America‘s Got Talent  na magsisimula sa May 27.

Sa teaser pa lang ng nasabing reality show ay nagpakitang gilas na si Gab sa kanyang husay sa pagsayaw suot ang makulay na damit na nakadagdag ningning sa kanyang mahusay na dance performance. Napahanga ang mga hurado na sina Howard Stern, Melanie Brown, Heidi Klum and Howie Mandel. The NBC show is hosted by Nick Cannon.

Bukod nga raw sa pagsali sa America‘s Got Talent ay busy din si Gab sa  pag-aaral sa America sa Full Sail University in Florida na siyang naging dahilan para iwan ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.

Jacky Woo, sa Bulacan naman magpapagawa ng eskuwelahan

ILANG buwan ng hindi bumabalik si Jacky Woo sa Pilipinas dahil abalang-abala sa kanyang katatapos na Japanese film na rito sa Pilipinas kinunan. Si Jacky din ang abala sa post production ng movie kaya taling- tali siya roon sa Tokyo. Hindi tuloy siya makabalik dito sa Pilipinas na sabik na siyang makasama ng mga regular cast ng Bubble Gang.

Gayun man, binilinan ni Jacky ang kanyang Japanese staff dito sa Pilipinas na humanap ang isang school somewhere sa Bulacan na matutulungan niya gaya ng ipinagawa niya sa Nueva Ecija. Tutal okay na raw at sa Bulacan naman siya tutulong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …