ni Art T. Tapalla
SA wakas, in the can na ang pelikulang unang tambalan ni Nora Aunor at Coco Martin, ang “Padre de Pamilya” ni Adolf Alix, Jr.
Ayon sa ilang insider, ang nasabing pelikula na si Coco rin ang nag-produce ay ipalalabas sa Mother’s Day (third Sunday of May kaya third week ang opening) sa ilalim ng Star Cinema.
Dahil sa mga pangyayaring ito, marami ang humuhulang naplantsa na rin ang namagitang tampuhan ng ABS-CBN bigwigs at ng Superstar.
Sinusulat ang pitak na ito, may ginagawa pang pelikula si Nora Aunor na malamang Star Cinema rin ang distributor, ang “The Whistleblowers” na si Adolf Alix, Jr., din ang director at tampok din sa cast ang ABS-CBN contract star na si Angelica Panganiban!
Marami ang umaasam na sana raw ay tuloy-tuloy na ang pagsisipag ng kanilang idolo na si Mama Guy para raw muling sumigla ang lokal na industriya.
krista ranillo nagsilang ng baby girl!
iSANG source ang nagpaabot ng info na nagsilang na si Krista Ranillo-Lim sa kanyang ikatlong baby, courtesy of her businessman husband, Jefferson Lim.
Babae at hindi lalaki, ang bagong silang na anak ni Krista, at nakadalawa na sila ni Jeff ng anak na lalaki na may edad 3 ang panganay at higit isang taon ang ikalawa.
Parang nakikini-kinita ko na ang kasiyahan ni Lolo Archie Ranillo III at ni Lola Lynda Tupaz sa kanilang unang apong babae.
CINEMALAYA 2014 SHORT FILM CATEGORY INILABAS NA
IPINAHAYAG ng Cinemalaya Foundation ang mga pumasok na kalahok para sa Short Film Category ng 2014 Cinemalaya Competition na kinabibilangan ng: “Asan si Lolo Me” ni Sari Estrada, ”Lola” ni Kevin Ang, ”Indayog ng Nayatamak” ni Joris Fernandez, ”Eyeball” ni Thop Nazareno, ”Padulong sa Pinuy-Anan” (“Going Home”) ni Fedwelyn Villarba Sabolboro, ”The Ordinary Things We Do” David R. Corpuz, ”Nakabibinging Kadiliman” ni Paolo O’Hara, ”Mga Ligaw na Paru-paro” ni J.E. Tiglao, “Ina-Tay” ni Chole Ann A. Veloso at ”Tiya Bening” ni Ralph Aldrin L. Quijano.
Ang mga nakapasok na obra ay pinili ng Cinemalaya Selection Committee na kinabibilangan nina Emilio Abello VI, Teddy Co, Nic Deocampo, Eduardo Roy, Jr., and Pamela Ann Miras.
Layunin ng Cinemalaya Independent Film Festival and Competition seeks na makatuklas, makahikayat, at bigyan pagkilala ang senimatikong kaalaman ng Pinoy filmmakers na buong laya nilang inihahayag ang mataas na antas ng malayang sining.
Ang mga likhang lahok ay nasa anyong naratibo na nagpapakita sa pagkakakilanlan ng kulturang Filipino sa pormang digital.
Ang nasabing kompetisyon ay kinapapalooban ng tatlong kategorya: ang New Breed Full Length Feature, Short Feature at ang Directors Showcase.
Ang Cinemalaya 2014, na nasa kanyang ika-10 taon ay gaganapin simula Agosto 1 hanggang 10 sa Cultural Center of the Philippines at Ayala Cinemas sa TriNoma, Greenbelt 3 at Alabang Town Center.
Ito’y proyekto ng Cinemalaya Foundation, Inc., sa pakikipagtulungan ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Para sa karagdagang impormasyon, please visit www.culturalcenter.gov.ph, www.cinemalaya.org at CCP facebook page.
PALARONG PAMBANSA AARANGKADA NA!
Sa May 4, 2014, Linggo, ang opening ng Palarong Pambansa 2014 na sa taong ito ay hosted by the Province of Laguna kaya nga dito muna naka-focus si Laguna Governor ER “Jeorge Estregan” Ejercito.
Nakita na namin ang site ng sports event na ito sa Barangay Bubukal, Santa Cruz, Laguna at namangha kami sa ganda ng pagkakagawa nito!
“Sports is a way of life” ang motto ng national event na ito na magtatagal hanggang May 10.
Ngayon pa lang ay tiyak nang isang malaking tagumpay ang sports undertaking na ito.
Congratulations, Gov. ER!