Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine, bina-bash dahil sa pagkawala sa eksena ni Julie Anne kay Elmo

ni  Roldan Castro

AYAW pang umamin ni Elmo Magalona sa tunay na relasyon nila ni Janine Gutierrez. Exclusively dating na sila simula pa noong February 2014. Na-develop ang dalawa sa kanilang pagsasama sa kanilang serye.

Hindi pa rin tumitigil ang mga basher ni Janine dahil sa pakikipagmabutihan niya kay Elmo. Naetsapuwera na kasi ang dati niyang ka-love team na si Julie Anne San Jose.

Aware naman si Elmo sa nangyayari pero paano niya ito kinu-control?

“Well, ako rin naman, kapag magsalita ako ayaw ko rin mag-take ng sides because siyempre supporters ko rin po ‘yun. But then ako, ayaw ko lang ng mga nag-aaway-away,” reaksiyon niya.

Wala ba siyang balak na kausapin ang mga basher na ito dahil nawiwili at matagal na ring ginagawa?

“Siyempre, nakalulungkot ‘pag may ganyan. Hindi nakikita ‘yung magagandang bagay sa ibang tao. ‘Yung mga alam ko lang, sinasabihan ko not directly, ha.. as a general na ayaw ko nang away. Gusto ko masaya lang lahat because we’re all naman a team here.”

Paano niya kinu-comfort si Janine kasi nahu-hurt din siya?

“Si Janine naman..she’s really strong. Alam niya ‘yung dapat gawin sa situation na ‘yun,” aniya pa.

Kung Nike running shoes (limited edition)  ang bigay ni Janine, wala naman siyang natanggap na regalo kay Julie Anne.

“Siyempre sobrang busy din si Julie Anne. Pero nagkita kami, nag-greet siya sa akin,”bulalas pa niya.

Anyway, may Cinemalaya entry ngayon si Elmo na pinamagatang #Y. may love scene siya kay Sophie Albert ng TV5. Ready na raw siya sa ganoong eksena kung mayroon man.

Virginal ang image niya, hindi ba siya kinakabahan sa love scene niya?  Nagawa na ba niya ito sa totoong buhay?

Tumawa lang siya at virgin pa raw siya.

Boompeness!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …