Monday , November 25 2024

China sinakop na ang ‘Pinas

00 Bulabugin JSY
HINDI man tayo literal na sinakop ng makapangyarihang China ‘e kung titingnan natin ang mga ilegal na komersiyante sa ating paligid ay parang ganoon na rin ang nangyari.

Tayong mga Pinoy bago makapagtrabaho sa ibang bansa ay gumagastos nang malaki. Nagsasanla ng lupa, kalabaw o nagungutang sa five-six makapag-abroad at makapagtrabaho lang.

Pero ‘yang mga Chinese nationals mula sa mainland China ang puhunan lang makapasok sa Pinas tapos nagiging negosyante na at nagkakamal na ng sandamakmak na kwarta.

Nakapagnenegosyo ang mga Tsekwa mula sa mainland China sa Philippines my Philipines nang walang binabayarang tax.

Hindi ba nahahalata ng gobyerno na ang mga itinatayong condominium sa bansa lalo na sa Binondo ay sold out agad?!

Mas malaking bilang ng mga nagmamay-ari ng condo units na ‘yan ay pawang Chinese nationals.

Bakit hindi subuking sudsurin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ‘yung mga condominium na ‘yan at tiyak mabibisto nila na pawang Chinese nationals ang nakatira d’yan.

Sa Baclaran, sa Divisoria at sa malalaking commercial area, Luzon,Visayas at Mindanao, ang malalaking komersiyante ay pawang Chinese nationals mula sa mainland.

Sa kanila na rin kumukuha ng paninda ang mga vendor na Pinoy.

Ang bibilis nilang magsiyaman, kasi nga wala silang binabayarang ano mang buwis.

‘Yung mga Chinese nationals naman na baluktot ang lakad ay nagluluto at nagbebenta ng shabu. ‘Yun iba doon nagbababad sa mga Casino.

Sila ang mga Casino financier at numero unong money launderer doon.

Panahon na siguro para pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas ang malayang pagpasok ng mga Chinese mula sa mainland China at pangunahing ‘umaagaw’ sa oportunidad ng mga kababayan natin para umunlad ang kabuhayan.

Panahon na para ipatupad ang restriksiyon sa pagpasok ng mga Chinese na ilegal na nagnenegosyo sa Pinas!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *