Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristoffer, nahirapang mag-beki dahil sa skimpy short

ni  John Fontanilla

VERY vocal ang award winning young actor na si Kristoffer Martin na hirap na hirap siyang ginawa ang Magpakailanman episode na Siga Noon , Beki Na Ngayon, The Christopher Aguinaldo Story na lalaking naging bakla ang role na ginampanan niya. Bukod sa 1st time raw niyang gumanap na bading.

Tsika ni Kristoffer, isang rason kung bakit nahirapan siya sa kanyang role bilang bakla ay ang pagsusuot ng maikli at skimpy short. Naiipit daw kasi ang kanyang birdie kaya nasasaktan siya especially ‘yung eksena na binubugbog siya ng kanyang tatay na ‘yun ang kanyang suot.

Dagdag pa ni Kristoffer na  hirap din siya dahil sobrang sikip din ang  suot na T-shirt, makapal na false eyelashes, at make-up na first time niyang ginawa. Pero nawala raw ang naranasan niyang hirap sa mga positibong feedback na natanggap niya sa bading role.

Memorable at masaya ang reunion ng Fontanilla Clan!

NAGING Masaya at memorable ang aming trip noong Holy Week sa Mangaan, Santol Balaoan, La Union  para sa Herminigilda at  Cornelio Fontanilla Reunion (April 19)  at doon na rin namin ipinagdiwang ang kaarawan ng aming yumaong ama na si Mr. Monico Orina Fontanilla.

It‘s been 30 plus years na pala akong ‘di nakauuwi ng La Union kaya naman super excited ako na makita muli ang lugar na kung saan ipinanganak ang aking Tatay Nick at makita ang aming mga kamag-anak pati na rin ang mga iba pang kamag-anak mula Manila at ibang bansa.

Roon ko nakitang muli ang aking mga uncle at auntie na sina Auntie Pesing Ubaldo at mga anak na sina Ate Marilou, Kuya Mario, Isang, Zaldy, at Nestor kasama ang kani-kanilang mga asawa at anak, Auntie Susing Victore, at mga anak na sina Josefa, Dyanong kasama ang kanilang mga asawa at anak at sina Jayson at Jocil, Auntie Melia at Uncle Oriente, Ito, Fely, Manilyn, Vic, Tony, Marlo, Remy, Auntie Rose  Navarette at anak na si Eya , Uncle Narding, at Auntie Anita,Uncle Anton at Auntie Dameng, Jesus , Jennifer, at Lito, Uncle Cirilo at Auntie Lily, Larry, Maricel, at Maricris kasama ang kanilang mga asawa’t anak at sina Criselda at Maju, Kuya Jessie, at ate Virgie  and Jeric, Kuya Floresto “Boy “Fontanilla na siyang representative niUncle Floresto kasama ang kanyang asawa na si Ate Felit  at anak  na sina Eduardo at Joe at marami pang iba.

Habang kami naman ang representative ng aming amang si Monico kasama ko ang aking mga kapatid  na sina Ate Bhabes Go at mga anak nito na sina Patty at Wilson, Jojo at  Donna at mga anak nito na sina JM, Monica, at Clarence, Lorna  at asawang si Darius Pastrana at anak na sinaCyrus, Athena, at Troi ang aming Nanay Leonora Fontanilla.

Priceless ang kasiyahang naramdaman ng buong Fontanilla Clan ng araw na iyon, dahil muling nagkasama-sama, nagkita-kita at nagkausap ang lahat na ilang dekada na yatang hindi nagkikita-kita. Kaya naman bago nag-uwian ang lahat ay nangakong magkakaroon muli ng reuinon after two years.

Makabuluhan ang selebrasyon ng birthday ni Jackie

ISANG makabuluhang kaarawan ang naganap last April 11 mula sa maganda at mahusay na aktres na si Jackie Rice na kaysa magkaroon ng engrandeng party ay mas piniling makasama ang mga batang pasyente ng Philippine Orthopedic Center.

Bagamat Abril 27 ang mismong kaarawan ng aktres, nagbigay si Jackie ng pagkain at regalo sa mga bata.

First time ni Jackie na mag-celebrate ng birthday sa POC kaya naman  kakaibang saya ang naramdaman niya. Wala na ngang mahihiling pa si Jackie sa kanyang kaarawan kung hindi ang magtuloy-tuloy ang dating sa kanya ng trabaho dahil ito lang naman daw ang gusto niya, ang mag- work nang mag-work.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …