Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Best wishes kina Boots at Atty. King

ni  Letty G. Celi

SOON to be married na si Boots Anson Roa, a well respected movie actress at head ngMowelfund Foundation ng mga movie or entertainment writers.

Matagal na ring biyuda si Boots sa yumaong asawa na si Pete Roa, na isang sikat na TV host noon. Kaya pangalawang beses na niyang mararanasang ikasal at ngayon ay sa isang respetableng abogado na si Atty. King Rodrigo.

Best wishes po! Pero take note, ‘di lang si Boots ang may someone special, pati na rin si Zsa Zsa Padilla na two years ng biyuda sa yumaong King of Comedy na si Dolphy. Why not? Hindi masama ang gagawin nila. Una, mga bata pa naman sila. Fresh looking at magaganda. Aba, patay na puso lang ang hindi iibig sa kanila, noh!

Paano na si Lorna Tolentino, pinsan ni Zsa Zsa? Aba, ‘wag mong sayangin ang panahon sa piling ng mga anak mo at apo. Kesehodang hindi na kayo magkaanak at magsara na ang matres, at least may isang lalaking kasama mo sa iyong pag-iisa at makakatabi mo sa pagtulog hanggang sa pagtanda. May kakuwentuhan ka, may katawanan ka, may masasabihan ka ng iyong mga problema, at higit sa lahat katuwang.

Dahil if ever na iibig ka lang din naman ulit, piliin mo na ‘yung the best, ‘yung mahal ka talaga, hindi ‘yung kukuwartahan ka lang, at least ang mga bagong lalaki sa buhay nina Zsa Zsa at Boots ay educated, may trabaho at professional.

NAPOLES, ‘DI DAPAT MAGING STATE WITNESS

HINDI raw dapat na pagbigyan ng DOJ na maging state witness si Ms. Napoles sa kasong PDAF Scam dahil may kasalanan din siya na dapat pagdusahan. Malaking pera raw ang kinita niya. Ganoon!

At siyempre, ang kaso nina Cedric Lee, Deniece Cornejo at iba pa na sangkot naman sa isang kaso ng pambubugbog kay Vhong Navarro. Saan daw sila pupulutin, ngayong ang ilan sa mga kasamahan nila ay susuko na at tatayong state-witness din.

Kundangan kasi, hindi muna pinag-isipan ang kanilang ginawa. Isipin muna nila kung ang gagawin nila kay Vhong ay tama o mali. Baka akala nila bobong tao si Vhong at pwedeng gawing laruan at tatakutin lang nila.

Kawawa raw ‘yung isang babaeng nagsabing rape victim siya ni Vhong. Nag-boomerang sa babaeng ‘di nagpakilala ang ginawa niya, siya raw ngayon ang nagkaproblema. Malusutan sana ng nasabing tomboy at nag-do-double na babaeng ito ang pinasok niyang gusot. Alam mo naman, ayaw ni God ng kasinungalingan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …