AYON sa isa natin kaibigang doctor, na tinitiyak natin na very reliable, ang allergy kapag hindi na-manage nang tama ay posibeng ikamatay ng isang pasyente.
Kaya nga po ang mga bagong pasyente ay kinukuhaan ng history para alam ng physician (doctor) kung paano niya gagamutin.
Pero hindi ganito ang nangyari sa isa nating kaibigan sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Sta, Mesa, Manila.
Nitong Last Wednesday (Abril 23, 2014), nagpunta ang isang kaibigan natin sa ospital na ‘yan para ipa-check-up ang balikat niya na mukhang naipitan ng ugat.
Hindi natin alam kung nag-advice ng ibang laboratory examination si Dra. CAROLINA M. VALDECANAS pero ang ibinigay niyang reseta sa pasyente ay pain reliever.
Idineklara ng pasyente na siya ay mayroong allergy sa ilang gamot.
Kaya inaasahan niya na alam na ni Dra. Valdecanas kung anong gamot ang pwede sa kanya.
Sabi pa nga raw ni Dra. Valdecanas, “Don’t worry hindi ka maaano sa gamot.”
Ang bayad ng pasyente sa check-up ay P700, no receipt.
Pag-uwi ng pasyente after mag-dinner ininom niya ang gamot, pero after few hours, ‘eto na, namaga ang kanyang mga mata at barado na ang kayang ilong.
In short, allergic siya sa gamot na ibinigay ni Dra. Valdecanas.
Dahil hindi na makahinga ang pasyente, itinakbo na siya sa opsital deretso sa emergency room. Agad naman na-manage ang kanyang allergy kaya mabilis itong humupa.
Kinabukasan, Thursday morning, hanggang hapon hindi mahagilap si Dra. Valdecanas, secretary lang niya ang nakakausap. Sabi raw ni Dra., ihinto agad muna ang gamot at puntahan ulit siya sa ospital.
Sa madaling sabi bumalik ang pasyente, nagbigay ng bagong gamot si Dra. Valdecanas pero ang sabi baka daw sumakit ang ulo niya sa gamot.
Nagulat ang pasyente pero higit sa lahat, siningil ulit siya ng P700 check-up fee.
Anak ng teteng!!!
Simple pain sa balikat, hindi na-diagnose nang tama ng isang DOKTORA na ilang panahon nang nagdodoktor?!
Nagbigay ng pain reliever pero muntik pang matodas ‘yung pasyente?!
Paging Our Lady of Lourdes Hospital!
Ang mga doktor ba ninyo ay gaya ni Dra. Carolina Valdecanas!?
Aba ‘e mag-HIRE kayo ng mga eksperto at very reliable doctors, ang mahal ng bayad sa serbisyo ninyo tapos ganyan klase lang ng serbisyo ang ibibigay ninyo sa pasyente?!
SONABAGAN!
Paging Health Secretary Ona!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com