Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, iginiit kay Kim na ipakita ang X-Ray ng ilong (Para patunayang ‘di totoong nagparetoke)

Alex Brosas

 

NAAKSIDENTE si Kim Chiu recently at todo kuwento si Kris Aquino kung ano ang nangyari.

“Ka-text ko siya Boy,” Kris told her evening show co-host Wednesday.

“I was making her kumusta and she said actually nakahiga siya roon sa…bale if that’s the car, if that’s the van, there’s one row of the driver and the front passenger seat and they’re ‘di ba two seats there and then the back coach can be a bed. Nandoon siya, nakahiga,” chika pa ni Kris.

“So noong nagpreno ‘yung driver avoiding, sorry I don’t remember if it was the jeepney or tricycle that the driver was avoiding, (ay) tumilapon siya. And the seat in front bakal ang likod, doon siya tumama.”

Natakot daw si Kim, as per Kris’ account, “because she heard a crack” sa kanyang ilong.

“Pero noong in-X-ray naman daw hindi naman daw na-fracture ‘yung ilong pero grabe raw ‘yung pagdaloy ng dugo,” Kris narrated.

Para patunayang nagsasabi siya ng totoo, binasa pa ni Kris ang text message sa kanya ni Kim.

“‘Yes, ate, natutulog ako sa back tapos nag-brake bigla ‘yung driver kasi may tumawid na jeepney. Tapos tumama ‘yung nose ko sa bakal, ‘yung support sa table sa likod. Wala kasi ‘yung table roon noong time na ‘yon.

“Dumiretso ‘yung nose ko ‘pag-brake sa bakal. Tapos nag-bleed, super. Tapos nakarinig ako ng crack kaya ayon natakot na ‘ko.’”

Aware si Kris na mayroong chismis na nagparetoke ng ilong si Kim kaya naman pinayuhan niya ito.

“Kimmy kung ako ikaw ilabas mo na ‘yung x-ray na ginawa sa ‘yo para at least once and for all matigil lahat ng chismis na niretoke ang ilong mo because sa x-ray lalabas. Sabi niya, ‘tama, ate.’”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …