Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, nagtaray nang pinatsutsugi ang ‘di nagre-rate na serye

ni  Alex Brosas

OBVIOUS na si Marian Rivera ang blind item na lumabas recently sa Fashion Pulis.

The item is about a female star na naimbiyerna nang malamang matsutsugi na ang soap opera dahil hindi nagre-rate at palaging kaunti ang commercial.

Nagtaray daw ang female star at sinabi umano na kaya hindi nagre-rate ang kanyang teleserye ay dahil hindi ito well-promoted, hindi katulad ng soaps sa kabilang network na todo ang promotion. Parang sinabi niyang inutil ang promo ng kanilang network.

Napapayag lang daw ang hitad na matsugi ang kanyang soap kung unang matitigbak ang teleserye na pinagbibidahan ng isang hot mama, obviously referring to Jennylyn Mercado.

Ang executives ng network naman ay tila natakot sa female star kaya ang naging solusyon ay i-extend na lang ang soap nito. Ang hiling lang ng hitad ay dapat matsugi ang soap ng isang female celebrity sa kabilang network ay okay lang sa kanya. Obvious bang si Angel Locsin ang tinutukoy dito?

Actually, kaliwa’t kanan ang promotion ng soap ni Marian, ang daming publicity kaya lang hindi ito nagta-translate sa rating. Hindi rin sila bagay ni Alden Richards dahil mukhang mas matanda talaga si Marian kaysa binata.

Naku, baka magwala na naman sa galit si Rams David, ang kasama lagi ni Marian anywhere she goes. For sure ay maiimbiyerna rin sa item na ito ang isang reporter na Marian defender.

And Marian fans will surely lambast us again dahil sa item naming ito. But we don’t care.

Marian, ikaw nga ba ang blind item sa Fashion Pulis?  Pakisagot nga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …