Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama ng kalokalike ni Vhong, 53 ang asawa

ni  Roldan Castro

NAGULAT kami sa kuwento ng kalokalike ni Vhong Navarro na si Mark Tyler Dela Cruz na Lenten presentation ng It’s Showtime sa Miyerkoles. Gagampanan mismo ni Vhong ang kanyang ka-lookalike.

Ayon sa kanyang manager na si Throy Catan, 53 umano ang asawa ng ama ni Mark. Pang-49 daw silang pamilya.

Nagulat kami at nagtanong kung totoo ba ‘yun? Sa totoo lang, hindi kami makapaniwala.

Pinatotohanan ni Throy ang tsika at hindi raw alam ni Mark Tyler kung ilan silang lahat na magkakapatid. Nagbiro pa ang manager na natalbugan daw ang dating Senator Ramon Revilla tng tatay ni Tyler.

Dahil dito, nagkaroon tuloy ako ng interes na panoorin ang life story ng Vhong Navarro ka-lookalike sa It’s Showtime, huh!

Gelli, aminadong pagsisisihan sakaling ‘di na-pangasawa si Ariel

AMINADO si Gelli De Belen na pagsisisihan niya kung hindi sila nagkatuluyan ni Ariel Rivera. Noong 1997 pa sila ikinasal at na-realize niya na wala na siyang mahihiling pa. Halos 17 years na silang nagsasama. Nakaka-encounter din sila ng kaunting problema pero nalalampasan din nila.

Ibang-iba ang lovelife ni Gelli kay Ariel sa karakter niya sa Confessions of A Torpe ng TV5. Siya ‘yung na-in love sa kanyang kaibigan na si Tupe na ginagampanan ni Ogie Alcasid.

Pero ngayong Linggo, mabubuking ang pagpapanggap na panliligaw ni Tupe (Ogie) kay Luz (Gelli). Magpapakamartir si Gelli. Kasabay ng Holy Week, gagawa si Luz ng paraan upang magkalapit sina Tupe at Monique (Alice Dixson) sa pamamagitan ng paggawa ng mga kubol para sa station of the cross ng kanilang barangay. Mapapansin ni Monique na may pagkakahawig ang design ni Tupe sa design ng firm ni Peter a.k.a “Mr. Big” (Wendell Ramos) para sa kanyang boutique.

Mabubuking din na nagbabading-badingan lang si Adonis (Bayani Agbayani) sa gay beauty pageant.

Samantala, si Hanley (Mark Neumann) naman ang magiging shoulder to cry on ni Lovely (Shaira Mae). Asikasong-asikaso niya ito at tinutulungan sa lahat ng gawain sa pagbasa sa matatanda. Mahahalata ni Lovely na may gusto sa kanya si Hanley kaya tatanungin niya ito kung bakit napakabait sa kanya. Pero aatakihin na naman ng katorpehan ang binata.

Aamin na kaya si Hanley ng kanyang nararamdaman kay Lovely? Bakit nagpapakamartir si Luz? Uso pa ba ‘yun?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …