Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dreamscape writer, best selling author na!

Ang ABS-CBN/Dreamscape writer na si Noreen Capili ay isa nang best-selling author. Siya ang may akda ng best selling book na Parang Kayo Pero Hindi. Ang nasabing libro (published by Anvil Publishing) ay nasa 6th printing na. Isang patunay na hit na hit talaga ang book na ito ni Noreen or mas kilala sa social media bilang Noringai.

Sa mga hindi nakaaalam, si Noreen ay isang TV writer ng ABS-CBN. Ilan sa mga hit teleseryeng kasama niyang naisulat for TV ay ang Walang Hanggan, Katorse, Green Rose, My Binondo Girl, Rubi,  Aryana, at ang hit teen drama na Mirabella.

Ang Parang Kayo Pero Hindi ay tungkol sa iba’t ibang relationship.

“Complicated relationships, secret love, first love, forbidden love. Pero humurous ang atake. Light and funny,” sabi ni Noreen.

Nakarating na rin sa iba’t ibang bansa ang libro ni Noreen. Isang patunay na kapag love at relationship ang tema, kahit saang panig ng mundo, basta Pinoy, nakare-relate rito.

Nasa Star Cinema na ang rights ng Parang Kayo Pero Hindi at nakatakda na itong isalin sa pelikula. Tiyak na kaabang-abang kung paano maisasalin sa pelikula ang isang hit na librong ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …