Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pen, bukod-tanging nanawagang papanagutin ang mga sangkot sa pork barrel scam

ni  Ronnie Carrasco III

SA hanay ng mga taga-showbiz, tanging  ang theatre/film actor na si Pen Medina ang nakiisa sa panawagan kamakailan ng ilan sa ating mga mamamayan na papanagutin na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, at Bong Revilla na sangkot sa pork barrel scam.

Obviously, two of the lawmakers involved in the scandal are Pen’s colleagues, pero kung bakit wala siya sa panig ng kanyang mga kasamahan sa showbiz ay maliwanag na ‘di pangungunsinti sa gawain ng mga gahamang ito sa paningin ng buong sambayanan.

Kung magkakaroon lang marahil ng random survey among showbiz denizens (prodyuser, direktor, artista, manunulat hanggang sa mga extra, makeup artist down to the utility men), there’s a Pen Medina in all of them.

‘Yun nga lang, these Pen Medinas choose to exercise silence, pero hindi ibig sabihin ng kanilang katahimikan ay pag-ayuda sa mga alibi o palusot nina Jinggoy at Bong. Lest these solons forget, the public fury and furor are not simply centered on them, kundi sa mga taong gobyerno who have colluded with the scam mastermind to rob the people’s money.

Bumilib kami kay Pen for bravely coming out in the open while his peers seem to lift no finger to address a national issue.

Maaaring bahag ang mga buntot ng maraming taga-showbiz who receive, are receiving or have received favors or material gains from these senators. Kanya-kanyang trip lang ‘yan.

Here’s hoping that the enraged nation sustain its vigorous fight laban sa mga politikong sangkot sa pork barrel scam.

At isang paraan ay pagmamarka ng bawat desmayadong Pinoy ng kanilang mga mambabatas na ‘yon na nangangarap o nag-iilusyon pang umupo sa mas mataas na puwesto sa darating na 2016.

Putting their faith in them again is like legalizing bureaucratic  theft at the expense of the poor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …