Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dion, wish na gumaling na ang amang may kidney problem

ni  Rommel Placente

NOONG March 28 ay kaarawan ni Dion Ignacio. Ang isa sa birthday wishes niya ay biyayaan pa raw ng good health ang kanyang buong pamilya lalo na ang kanyang amang si Mr. Norman Ignacio, na may problema sa kidney.

Dalawang beses isang linggo raw ang pagda-dialysis ng kanyang ama. Kaya kailangan talagang magtrabaho ang aktor dahil magastos ang pagda-dialisis. Dalawang buwan na raw na nagda-dialysis ang ama niya at hinihiling niya na sana ay gumaling na ito upang hindi na mahirapan pa.

“Iyong isa (kidney), medyo okay pa. Iyong kanan, parang ano, deteriorating na,” sabi ni Dion.

Twenty eight years old na ngayon si Dion, nasa marrying age na siya. Pero wala pa raw sa plano niya ang mag-asawa o lumagay sa trahimik.

“’Pag marami na akong pera, at saka ako mag-iisip tungkol diyan (sa pag-aasawa). Hindi pa ako puwedeng mag-asawa, marami pa akong binubuhay!”

ni  Rommel Placente

Snooky, excited sa muling pagsasama nila ni Maricel

FOR the first time ay magsasama sa isang serye ang magkaibigang Maricel Soriano at Snooky via Ang Dalawang Mrs. Real mula sa GMA 7.

Sa nasabing serye ay gumaganap bilang mag-best friend sina Maria at Snooky na para rin sa totoong buhay. Excited na si Snooky sa kanilang taping dahil gusto niya nang makatrabaho ulit si Maricel.

“Ang tagal na naming hindi nakapagtrabaho together ni Maricel. Ang huling movie na nagawa namin ay ‘yung ‘Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin’. Hindi ko na matandaan kung anong taon ‘yun. I’m glad na muli ko siyang makakatrabaho but this time ay sa isang serye naman,” sabi ni Snooky na nagdiwang ng kaarawan noong April 4.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …