Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Aquino pumalag sa massacre movie nila ni Derek Ramsay (Baka mas feel ang drama romance?)

ni  Peter Ledesma

DAHIL si Kris Aquino ang Queen ng mga massacre movie ay gusto ni Mother Lily Monteverde na pagsamahin sila ni ni Derek Ramsay sa ipo-produce na massacre film na hango sa isang controversial crime.

Pero agad na tinanggihan ni Kris ang offer ni madera dahil ang feeling siguro ng sikat na TV host-actress, kahit na reyna pa siya ay tapos na ang panahon ng mga ganitong uri ng pelikula so, baka hindi kumita ay sayang lang.

Yes, talagang inayawan ni Kris ang project kahit pa ang inuugnay sa kanyang si Derek ang makakatambal sa movie. Kasi nga naman first team-up nila sa big screen pagkatapos tungkol pa sa patayan. Siguro kung drama romance ang ipagawa sa kanya ni Mother Lily, ay mabilis pang pumayag si Kris dahil tiyak na may  mga kilig scene sila ni Derek rito. Isa pa, hindi pinagsasawaan ng manononood ang ganitong tipo ng pelikula. Sigurado rin na magiging blockbuster ito dahil honestly, mas marami ang interesado sa Kris-Derek affair kaysa relasyong Kris at Mayor Herbert Bautista. Ano ba naman kasi ang nangyayari rito kay mother, parang nawawala na yata ang magic niya at pati ang nanahimik nang masscare movie ay gusto pang buhayin.

Mother Tsina, isip-isip gyud!

MAGING NINANG AT NINONG NG ’BABY  KAMBAL’  NINA MAYA  AT SER CHIEF  SA ‘BE CAREFUL WITH MY HEART’

Kasabay ng pananabik ng buong sambayanan sa nalalapit na panganganak ni Maya (Jodi Sta. Maria) ay ang pakikipagkapit-bisig ng lahat sa ‘Name Our Babies’ promo ng “Be Careful With My Heart,” at may pagkakataon ang mga manonood na hulaan ang mga pangalang ibibigay nina Mr. and Mrs. Lim sa kanilang ‘baby kambal.’ Mula sa text promo ay pipili ang programa ng tatlong winners na makatatanggap ng ekslusibong imbitasyon sa binyag bilang mga ninong o ninang ng kambal nina Maya at Ser Chief (Richard Yap). Para makasali sa ‘Name Our Babies’ promo, kailangan lamang mamili ng viewer mula sa tatlong kombinasyon ng pangalan — (A) Angelo at Angela; (B) Robert Arthur at Emerald Therese; at (C) Sky at Sunshine. Pagkapili ay ita-type lamang sa cellphone ang HEART<space>LETTER OF ANSWER at ise-send sa 2366. Hanggang Abril 25 (Biyernes) lamang maaaring sumali sa promo. Para sa buong detalye ng ‘Name Our Babies’ text promo at sa mas marami pang sorpresa mula sa pamilya Lim, tumutok sa number one daytime TV program sa bansa, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, bago mag-”It’s Showtime” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-’like’ ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

BAGUIO TRIP REGALO  NG TALENT MANAGER NA SI RONNIE CABREROS SA MGA ALAGA

Masarap mag-alaga ng kanyang talent sa Patrisley Production, ang kaibigan naming si Ronnie Cabreros dahil bukod sa nabibigyan niya ng project ang mga alagang sina Arjay Olivar, Jhonalyn Cabreros at mga anak na sina Shaina Cabreros, Sley Cabreros at Alexis Cabrera, madalas ay may bonus pa sila kay Ronnie.

Tulad ngayong summer lahat sila ay dinala ng manager sa Baguio City para makapagbasyon at unwind na rin. Sobrang nag-enjoy sina Shaina, Alexis at Arjay nang dalhin sila ni Ronnie sa farm na taniman ng strawberry. Aliw na aliw ang mga bagets habang namimitas ng strawberry at talagang nag-take home sila para pasalubong sa pamilya at kaibigan. Ilan sa mga tourist spot sa Baguio na pinuntahan ng grupo ay ang Burnham Park. Sumakay sila sa bangka sa Park Pool, Camp John Hay na walang takot na nag-zip line at kanila rin binisita ang Grotto ni Mama Mary para makapagpasalamat sa blessings na kanilang mga natatanggap. Nakabalik na pala ng Manila ang grupo ni Ronnie at ang pinaghahandaan ngayon ng kanyang mga talent ay ang nalalapit nilang Fashion show na “Retas-so On Ramp” sa April 27, Sunday sa Riverbanks, Marikina. Sinisigurado nila na mag-eenjoy sa kanila ang crowd dahil hindi lang sila rarampa sa entablado kundi kakanta rin sila at sasayaw.

Watch natin ito gyud!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …