Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC at Bianca, galit na galit sa GMA7 reporter

ni Alex Brosas

DA who kaya ang GMA-7 reporter na labis na kinaiinisan nina Bianca Gonzalez at JC Intal. Hindi raw kasi ito tumupad sa kanilang agreement.

Galit na galit si JC sa reporter ng Siete at sa kanyang Twitter account ipinadaan ang pagkaimbiyerna.

“To the reporter from GMA who interviewed me to “plug” for Celebrity Bluff, you know who u are. Hindi ka marunong sumunod sa usapan,” tweet ng binata.

This was followed by an even more sarcastic message which said, “Walang delikadeza ang ginawa mo. Hindi ka tumupad sa usapan. You told me plugging for CB. ‘Yun pala for your talk show. Dapat naging fair ka.

“Ano bang mahirap sa pagtanong NG MAAYOS kung pwedeng mag-interview? Bakit kailangan mambastos ng ganyan?” tanong pa niya.

Maging si Bianca ay imbiyerna rin sa reporter.

“So disappointing to hear about people taking advantage of others for a “story”. Pwede namang gawin ng maayos at hindi nang-iisa,” tweet ni Bianca.

Da who kaya ang ang GMA reporter na ito na walang delicadeza? Aware kaya ang GMA sa panloloko niya kina JC at Bianca? Sibakin kaya nila ang reporter na ito na tila hindi naturuan ng delicadeza?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …