ni Alex Brosas
KAKALOKA itong si Cristine Reyes, super sweet moments nila ng kanyang boyfriend ang ipinost niya sa Instagram.
Parang ipinangangalandakan niya ang bagong boyfriend na super macho. Reportedly, si Ali Khatibi, isang model and mixed martial arts fighter ang sinasabing dyowa ni Cristine. Rati raw itong URCC (Universal Reality Combat Championship) Featherweight champion.
Many were surprised to see the photos dahil walang takot itong si Cristine na nakapulupot at nakahalik sa kanyang boyfriend. Aba, baka pati ang langgam ay mahihiya sa kanilang ka-sweet-an.
Mukhang maraming oras itong si Cristine na mag-spend ng time sa kanyang boyfriend. Aside from a movie that she’s currently shooting ay wala na siyang pinagkakaabalahan. Wala kasi siyang soap opera ngayon matapos mag-flop ang teleserye nila nina Gerald Anderson at Rayver Cruz.
Balitang-balita na super insecure raw itong si Cristine kay Ellen Adarna. Hindi raw feel ng younger sister ni Ara Mina ang pagsulpot ni Ellen sa Dos dahil bigla siyang nawalan ng project.