Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, ‘di carry mambuntis ng girl (Lahat pwedeng ibigay sa ina, puwera lang apo!)

ni  Peter Ledesma

KAMAKAILAN ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Vice Ganda, at  masaya ang gay comedian-host dahil hanggang ngayon ay maganda pa rin ang takbo ng kanyang career.

Siyempre very thankful si Vice sa lahat ng mga bossing niya sa ABS-CBN at sa manager na si Sir Deo Endrinal  dahil lahat ng magagandang project ay ibinibigay sa kanya ng estasyon. Bukod sa kanyang mga TV show sa Dos ay may follow-up na ‘yung kanyang Girl, Boy, Bakla Tomboy na over P400 million ang kinita sa takilya.

But this time, ayon sa pakikipag-usap ni Vice sa Star Cinema ay hindi intended sa filmfest ang gagawing  pelikula na gusto naman niyang gawin.

Samantala, para naman sa  kanyang personal na buhay, may isang bagay pala na hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang ibigay ni Vice sa kanyang Mommy. Ito ay mabigyan niya ng apo ang ina na matagal nang hiling sa kanya. Kayang-kaya raw lahat ni Vice na ibigay ngayon ang lahat ng karangyaan sa kanyang mother , dahil kumikita naman siya nang malaki. Pero ang hindi raw talaga niya carry ay ang mambuntis siya ng babae. At least nagpapakatotoo lang naman siya.

Dat’s wat u call honesty, gyud!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …