Sunday , November 24 2024

Over na, super pa ang special attention na ibinibigay kay Janet Lim Napoles

00 Bulabugin JSY

KINIKILALA natin na si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles ay mayroong karapatang pantao (human rights).

Alam din natin na bilang detenido, siya ay may karapatan para sa kinakailangang atensiyong medikal.

Pero sa mga nagaganap ngayon, kitang-kita natin na lihis na sa mga nararapat at kaukulang atensiyon ang natatanggap ni Napoles.

Lihis, dahil OVER na ay SUPER pa ang atensiyong ibinibigay sa kanya ng gobyerno.

Hindi natin minamaliit ang operasyon ng Myoma, pero tingin natin, iba ang sitwasyon ni Napoles na nakatatanggap ng regular na medical check-up lalo na noong nakalalaya pa siya kaysa mga babaeng hindi makapagpa-check-up  at makapagpagamot nang libre sa mga pampublikong ospital dahil sa pandarambong ng mga gaya ni pork barrel scam queen at ng kanyang mga patron.

Mantakin n’yo naman, ngayon ay nakapipili pa siya ng ospital (Ospital ng Makati) na pag-ooperahan sa kanya at mga doktor (mula sa St. Luke’s Global) na oopera sa kanya.

Inuulit ko po, mga doktor, ibig sabihin marami sila.

Ganyan pa rin kasarap ang buhay ni Madame Napoles.

Ang kasunod n’yan malamang hospital arrest na rin.

E ‘yung dati nga nating presidente, na nahaharap din sa kasong plunder, halos hindi na maigalaw ang kanyang leeg at talagang nahaharap sa cervical problem ‘e hindi mapayagan ng gobyernong ito na magpagamot sa ibang bansa kahit sa isang pribadong ospital.

Samantala si Napoles, Myoma, isang pangkaraniwang sakit sa mga kababaihan lalo na sa edad niya ngayon, e katakot-takot na atensiyon na ang ibinibigay?!

Pwede ba, kompiskahin na muna ninyo ang mga nadambong n’yan ni Napoles at doon ninyo ilaan sa mga babaeng nasa Correctional na maysakit pero  taimtim na nagsisisi at sinisikap na mabago ang kanilang buhay.

‘Yang si Napoles, hindi lang barya ang dinekwat n’yan, BILYONES. Dahil sa dinekwat niyang BILYONES, maraming mga magsasaka ang hindi kumain sa tamang oras, hindi nakapagpaaral ng anak at namatay na lang ang mga mahal sa buhay na ni hindi nakakita kahit man lang daan patungo sa ospital.

Hindi natin sinasabing ulitin natin kay Napoles ang mga kasiphayuang iyan, ang sinasabi lang natin, huwag ninyong unahin na palasapin ng katarungan si Napoles.

Unahin ninyong bigyan ng katarungan ang mga BIKTIMA niya na walang iba kundi ang taong bayan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *