Sunday , November 24 2024

Korean fugitive Ku Ja Hoon, ‘pinalaya’ sa lakas ng padrino sa Palasyo At BI

00 Bulabugin JSY

SINO ang mala-Yolanda na PADRINO sa Malacanin ‘este’ Malacañang sa pagkaka-release ng isang Korean fugitive na si KU JA HOON sa Bureau of Immigration (BI) Bicutan detention cell!?

Para sa inyong kaalaman, si fugitive Ku Ja Hoon ay isang dating plant manager ng Phildip Korea Co. Ltd., isa sa pinakamalaking construction company sa South Korea na kumulimbat ng $50M sa kompanyang kanyang pinagtatrabahuhan.

Siya ngayon ay tumakas at nagtago dito sa Pinas gamit ang perang kinulimbat at nagawang sumosyo pa umano sa San Jose Builders, Inc., na nakakuha naman ng project at undergoing construction na biggest coliseum in Asia na pag-aari ng INC sa Bocaue, Bulacan.

Dahil sa bigat ng koneksyon ay milagrong na-release si Ku pal ‘este’  Ku Ja Hoon kaya galit na galit raw ngayon ang Korean Embassy sa nangyari at nagbanta rin ang nasabing Korean construction company na magpu-pull-out ng kanilang investments sa bansa hangga’t hindi naisusuko at nahuhuli pabalik ng Korea ang nasabing pugante.

January 16, 2014 nang mahuli ang puganteng Koreano sa Networld Hotel ng pinagsanib na pwersa ng Fugitive Search Unit ng BI at PNP- CIDG.

Balitang naglabas ng halagang P20 milyones si KU JA HOON para pondohan at gastusan ang kanyang kaso para makakuha ng release order sa korte at sa iba pang daraanan ng kanyang kaso!

Ang tanong: sino-sino naman kaya ang naambunan ng nasabing bente milyones!?

Bahala na kayong mag-isip!

Heavy-gat daw kasi ang padrinong taga-Malacañang kaya wala raw nagawa ang korte at isang mataas na opisyal ng BI kundi pikit-matang pumirma ng release order ni Ku Ja Hoon!?

Sonabagan!!!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *