Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, sobra-sobra ang pag-aalAga ng ABS-CBN at Star Cinema

ni  Alex Brosas

COMEDIAN  Vhong Navarro’s brush with physical brutality after getting involved in a mauling incident had made an impact on his self-esteem.

The comic star nearly lost his confidence following the controversial incident he got embroiled at.

Actually, nawalan talaga ng kompiyansa sa sarili si Vhong lalo na ngayong ipalalabas na ang movie niyang Da Possessed.

“Hindi n’yo po maiaalis sa akin ang kabahan dahil ang sinasabi ko ay hindi po lahat mapi-please. Iba ‘yung pelikula, eh. Ang TV po kasi ang tao uupo, manonood, libre po. Kasi po ang pelikula may oras, eh, bibiyahe at gagastos. Ang gusto ko lang po mangyari,   tinapos namin ang pelikula na masaya at ang mga manonood ay magiging masaya dahil ayokong masayang ang perang ibinayad nila,” esplika ni Vhong.

Labis-labis ang pasalamat ng comedian sa ABS-CBN dahil sa suportang ibinigay nito sa kanya.

“Una po sa lahat, ang sarap magpasalamat sa Star Cinema dahil itinuloy po ‘yung pelikula after niyong mangyari sa buhay ko. Buong-buo ang tiwala nila sa akin. Noong una kong balik sa telebisyon ang hirap, eh, kasi hindi ko alam kung paano po ba ako matatanggap ng tao uli sa kabila ng mga pagsubok. Siyempre hindi naman natin mapi-please lahat. ‘Tanggapin n’yo si Vhong kasi nagsasabi siya ng katotohanan.’ Hindi po natin mapi-lease lahat. Ang sinabi ko po ay ‘yung katotohanan. Ang sinabi ko po kung ano ‘yung totoo, kung ano ang nangyari.

“Ngayon po ay sobrang laki ng tulong ng ABS-CBN sa akin kasi binigyan nila ako ng security sa safe house ko po at kasama rin po ang mga anak ko,” he said.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …