Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Kim at Coco, Click sa masa, trending pa sa Twitter

ni  Maricris Valdez Nicasio

HINDI pa man lumalabas ang Hari at Prinsesa ng Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu sa Ikaw Lamang, marami na ang nag-aabang sa kanila. Kaya hindi nakapagtataka kung patok agad ang Ikaw Lamang nang magpakita na ang dalawa sa TV viewers.

Ayon sa datos ng Kantar Media noong Martes (Marso 25),  humataw sa national TV rating ang paglabas nina Coco at Kim sa Ikaw Lamang na mayroong 28.9% ang episode. Mas mataas ito ng 11 puntos kompara sa katapat sa GMA na Carmela na nakakuha lamang ng 17.8%.

Bukod sa paghataw sa ratings, pinag-usapan din ng netizens ang mga nakakikilig na eksena nina Kim at Coco sa serye kaya’t naging worldwide trending topic sa Twitter ng gabing iyon ang hashtag na #IkawLamangIsabellesAwakening at ang mga pangalang Samuel at Isabelle.

Sa kabilang banda, tiyak na mas mapaiibig ang mga manonood sa kuwento ng Ikaw Lamang ngayong nahuhulog na ang loob nina Samuel at Isabelle sa isa’t isa. Paano maipagtatanggol ni Isabelle si Samuel sa kanyang pamilya sa oras na malaman ng mga ito ang espesyal na ugnayan nilang dalawa? Tuluyan na bang mauwi sa isang relasyon ang kanilang pagtitinginan o muli ba silang paghihiwalayin ng tadhana?

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng master teleseryeng Ikaw Lamang gabi-gabi, pagkatapos ng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Ikaw Lamang bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa Facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …