Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai delas Alas, nanghihinayang dahil ‘di matitikman si Dennis Trillo

ni  Nonie V. Nicasio

MAY halong kilig sa parte ni Ai Ai delas Alas nang muli silang magkita niDennis Trillo. Ang Comedy Queen ang naging host sa announcement of winners ng The PEP List 2013 at isa si Denis sa present sa naturang event dahil isa siya sa winners dito.

Ayon kay Ai Ai, si Aga Muhlach ang nagsimula nang panunukso sa kanila ni Dennis sa nakaraang Star Awards for Movies. Sa kuwento ni Ai Ai, nagkatabi sila ni Dennis dahil kabilang sila sa awardee sa Dekada Awards sa nasabing event ng PMPC.

“Alam niya (Aga) single si Dennis at single rin ako. Siya ang nanloloko sa amin. Sabi niya, ‘O, may katabi ka na namang guwapo, mamaya bibigyan mo na naman ng kotse iyan!’ Ganoon.

“’Tapos sabi ko, ‘Dennis, you like cars?’ Ganoon. Sinakyan ko lang nang sinakyan ang panunukso ni Aga para huwag kaming ma-bore. Kasi nga, ‘di ba, ang tagal ng awards night? Doon iyon nag-start, tapos pinagloloko na ako noong iba pa na naroon na, ‘Ano, kinuha mo na ba ang number ni Dennis?’

“Nakuha ko naman nga ang number niya after,” nakatawang wika ni Ai Ai. “Pero friend-friend lang. Hindi ko naman siya inalok ng Camaro!” Pabungisngis na esplika pa ni Ai Ai na ang tinutumbok ay ang brand ng kotseng ibinigay niya sa ex-husband na si Jed Salang.

“Hindi ko muna siya inalok. Next time, re-recover muna ako from the pain. Hindi, nagpapatawa lang ako. Huwag na lang from the pain… from financial problem! Tsika lang!”  nakatawang dagdag  pa ng isa sa star ng Dyesebel ng ABS CBNna pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Sa question and answer portion naman ng presscon, inamin ni Ai Ai na gusto niyang maging leading man si Dennis sa isang indie movie. Pero hindi raw puwede ang Kapuso actor.

“Gusto ko nga sana. Kakausapin ko siya, pero I heard na may movie na pala siyang gagawin na indie.

“E ganoon talaga. Pagkakataon ko na sana na matikman ko si Dennis doon… wala e, ayaw i-allow.”

Anyway, narito ang resulta ng The PEP List 2013 awards na gaganapin sa May 20, 2014 sa Solaire Resort and Casino.

2013 Newsmakers of the Year – Kim Chiu at James Yap

Celebrity Pair of the Year – Tom Rodriguez at Dennis Trillo

TV Male and Female Star of the Year – Vic Sotto at Kim Chiu

Showbiz Treasures of the Year – Joey de Leon at Nora Aunor

Teleserye of the Year  – Ina, Kapatid, Anak  (ABS-CBN)

Teen Stars of the Year  – Elmo Magalona at Julie Anne San Jose

Female and Male Child Stars of the Year  – Ryzza Mae Dizon at Renz Valerio

FAB Award – Xian Lim at Lovi Poe

Breakout Star of the Year – Tom Rodriguez

OPM Artist of the Year – Daniel Padilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …