Friday , November 22 2024

Express service o express headache sa Bureau of Immigration?

00 Bulabugin JSY

PARA sa bright boys and sulsoltants ni BI Comm. Fred Mison, tamang-tama ang bakasyon ngayong Semana Santa para magnilay-nilay at pag-isipan kung saan kayo lahat nagkamali.

Maraming foreigners at mga empleyado sa Bureau of  Immigration (BI) main office ang nagtatanong kung hindi raw ba naiisip ng mga opisyal ngayon ng Bureau na ang pagbagal ng sistema or transactions sa approval of visas, extension, release of I-Cards, ECC, missiono, deportation, etc., ay isang flagrant form of RED TAPE?

Sobrang tagal na raw ng bawat isang transaksyon sa BI ngayon. Ang isang transaksyon gaya ng ECC or Emmigration Clearance Certificate na dati-rati ay kinukuha lang ng dalawang (2) oras ay umaabot ngayon ng tatlong (3) araw bago ma-release. Ang bawat non-immigrant visa na dati ay kayang tapusin ng three (3) weeks hanggang isang buwan, sa ngayon ay umaabot ng tatlong (3) buwan bago matapos.

Anyare?!

Malinaw na red tape nga ‘yan! Para ano pa ang ipina-paskel n’yo sa bulletin board na “Tigilan ang red tape.” Ibig sabihin pakitang-tao lang iyon?  Kung kailan ang lahat ay computerized na at ibang data na magmumula sa ibang government agencies ay naka-link na, lalo pang sumama ang serbisyo ng Bureau sa publiko?!

Marami ngayon makikitang umiiyak na mga foreigners sa lobby ng BI main office dahil hindi sila nakaaalis sa tamang oras o ‘di kaya naman ay hindi naire-release ang kanilang visa sa sinabing petsa. Nakahihiya naman ang bansa natin ‘di ba?!

Para ano pa ang ginagawang reforms at kung ano-anong strat plan sa Bureau kung hindi naman maiwa-wasto ang sistema at masa-satisfy ang bawat kliyenteng pumapasok sa opisina n’yo!? Mukhang tumatandang  paurong ang Bureau, ‘di po ba?

Para ano pa ang ibinabayad na Express lane fees kung hindi naman kayo makapagbigay ng express na serbisyo!?

Imbes express service ‘e sakit ng ulo ang binibigay n’yo!?

Aba ‘e di mas mabuti pang tigilan na lang ang pagkolekta n’yan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *