Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Usapang summer sa Gandang Ricky Reyes

TAG-INIT na at feel na natin ang unti-unting pagbabago ng klima. Ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. sa GMA News TV show na  Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ay mga bagay na may kaugnayan sa summer ang tatalakayin.

Unang-una’y ang isang second honeymoon ng bagong-kasal na sina Ryan at Regine sa Golden Sunset Resort Inn and Spa na matatagpuan sa Barrio Uno, Calatagan, Batangas. Bukod sa pagbu-book sa kanila sa bridal suite, may harana pa sa veranda ng cottage na handog ng mga local na mang-aawit. Isang romantikong dinner by candle light pa ang pagsasaluhan nila. Bongga, ‘di ba?

Para blow out sa mga nagtapos ay ipakikita  ang family room na malaki ang mga silid at tamang-tama para sa isang family bonding.

Mayroon pang barkada room na tila dormitory ang kapaligiran para sa mga bakasyonistang officemates, schoolmates, at friends.

Bukod sa apat na swimming pool, masarap mamasyal sa museum, butterfly farm, tent city, bicycle lane at fishing at boating sa isang lawa. Huwag isnabin, apat na kainan ang maaaring pagpilian na iba-iba ang putaheng ipinagmamalaki sa halagang kaya ng inyong bulsa.

Kapag summer ay nabibilad sa matinding sikat ng araw ang ating buhok at balat. Sa Straight From The Expert ay bibigyan kayo ni Mader Ricky ng mga payo sa pangangalaga ng mga ito. Basta usapang pang-kagandahan, Mader knows best.

Ang GRR TNT ay handog ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …