Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beki Boxer, comedy na may puso!

ni  Maricris Valdez Nicasio

VERY positive si Ms. Joann Banaga, TV5 Production Unit Head, na magiging maganda ang outcome ng pinakabago nilang handog sa publiko, ang weight comedy na Beki Boxer na pinagbibidahan ni Alwyn Uytingco.

Ayon pa kay Ms. Joann, ‘di ordinaryong comedy and Beki Boxer dahil ito ay comedy na may puso.

“Kasaysayan kasi ito ng isang taong mapagmahal sa pamilya. Tulad nating mga Filipino, tiyak akong makare-relate ang sino man dahil walang importante sa ating lahat kundi ang ating pamilya,” paliwanag ni Ms. Joann sa presscon ng Beki Boxer na isinagawa sa Oasis.

Ang pamilya nga naman ang nagpapasaya sa ating lahat.

Ipinagmamalaki rin ni Ms. Joan ang series na ito dahil bukod sa maganda ang istorya at magagaling ang mga artistang nagsisiganap, nagustuhan din agad ito ng management. Kaya naman ang unang planong once a week na pagpapalabas nito’y naging araw-araw na na magsisimulang matunghayan sa March 31, Lunes.

Malaking pasabog nga ang dala ng TV5 sa pagtatapos ng Marso sa pagbubukas ng pinakabagong primetime series na Beki Boxer. Patutunayan ng Beki Boxer na hindi hadlang ang estado sa buhay, kasarian, at maging ang sexual orientation ng isang tao sa pagtupad ng mga pangarap at mithiin sa buhay.

Malaking break din ang na-jombag ng Kapatid actor na si Alwyn na siyang gaganap sa title role ng maaksiyong comedy series na tiyak din namang aantig sa puso ng mga manonood.

Makakasama ni Alwyn sa  Beki Boxer  si na Christian Vasquez, Candy Pangilinan, Cholo Barretto, Onyok Velasco, Joross Gamboa, John Regala, Claire Hartell, Kristel Moreno, Danita Paner at si Vin Abrenica na gaganap bilang si Atong, ang love interest ni Rocky.

Mapapanood ang Beki Boxer simula Lunes, March 31, 7:00 p.m. sa TV5.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …