Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, sobrang kabado sa Mira Bella

ni  Jay Orencia

MASUWERTE ang pinakabagong alaga ng Kapamilya Network na si Julia Barretto. Kahit wala pang napatutunayan sa trabahong kinahiligan, isang malaking proyekto agad ang ipinagkatiwala sa kanya, anmg Mira Bella.

Pero, hindi dapat matuwa o maging kampante si Julia dahil isang malaking hamon sa kakayahan niya bilang artista ang Mira Bella. Dapat niyang patunayan na karapat-dapat siya bilang bida, lalo pa’t mahuhusay na artista ang kanyang pinanggalingan.

“Sobrang kabado po ako. Iniisip ko kasi kung masa-satisfy ang mga manonood, kung magre-rate ito at kung magugustuhan ito. So, I’m scared,” pagtatapat ni Julia.

Unang nabalita na Confradia ang una niyang proyekto, kapareha sana ang mga baguhang sina Kiko Estrada at Diego Loyzaga. At biglang naging Mira Bella na, na mas bagay sa kagandahan ni Julia.

“Nang mawala ang ‘Confradia’ at sinabing hindi na matutuloy ito, nalungkot ako. Akala ko nga, wala na talaga akong gagawin. Hanggang sa sinabing ‘Mira Bella’ na ang kapalit ng ‘Confradia’. Kaya, masayang-masaya ako,” kuwento ng batang Barretto.

Dalawang young actor ang kapareha ni Julia rito sina Sam Concepcion at Enrique Gil at hindi maiaalis na kasabikan ng kanilang mga tagahanga at mga manonood ang kissing scene. Kahit pa smack o halik lamang sa pisngi na magsisilbing kilig factor sa viewers. Pero, hindi pa raw ito magagawa ni Julia. “No kissing scene, bawal pa po,” sabi ng young actres. “I just turned 17, so hindi pa puwede.”

Kung sakaling 18 years na siya, puwede na kaya?

“Mahirap at saka bata pa po ako. Darating ang tamang panahon para riyan. Mag-eenjoy muna ako sa aking mga ginagawa bilang bata,” pahayag ni Julia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …