Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zsa Zsa Padilla, nagsisimula nang makipag-date

 

ni  Ed de Leon

OKEY lang naman daw sa mga anak ni Mang Dolphy, kung ang kanyang last live in partner na si Zsa Zsa Padilla ay ma-in love na muli sa iba. Nagsimula iyan nang aminin ni Zsa Zsa na nagsisimula na siyang lumabas at makipag-date sa iba naman. After all nga naman, bata pa si Zsa Zsa, at siguro nga kailangan din naman niya ng makakasama sa buhay. Nakalipas na rin naman ang panahon ng pagluluksa para kay Mang Dolphy.

Hindi rin naman nakasal sina Mang Dolphy at Zsa Zsa, kahit na talagang pinagsikapan nilang pakasal noong una. Natagalan naman kasi bago lumabas iyong annulment ng naunang kasal ni Zsa Zsa  sa ama  ng kanyang anak na si Karylle. Nang lumabas  naman ang annulment, dumating na sila sa punto ng paniniwala ni Mang Dolphy na ang mahalaga ay iyong kanilang pagsasama at hindi na ang kasal.

Si Zsa Zsa ang nanatiling kasama ni Mang Dolphy hanggang sa huling sandali ng buhay niyon at hindi man kasal, siya ang itinuring na “biyuda” ni Mang Dolphy. May iba rin namang nakarelasyon si Mang Dolphy in the past, pero ang mga iyon ay may kanya-kanya na ring buhay.

Ang maganda nga lang ay iyong sinasabi ng mga anak ni Mang Dolphy na magkaroon man ng bagong pamilya si Zsa Zsa, hindi naman mawawala roon ang kanilang pagtingin bilang nabiyuda ng ama nila. May isang adopted child, at isang tunay na anak si Mang Dolphy kay Zsa Zsa.

Dahil nga rin sa sitwasyon niyon sa ngayon, sinasabi nilang nai-intindihan nila kung kailangan nga ni Zsa Zsa ng isang makakasama at makakatuwang sa buhay at sa pagpapalaki ng kanyang mga anak. Ibang klase kasi noong magkahiwalay lamang sila ng tatay ni Karylle, dahil buhay iyon at pinangalagaan ang kanyang anak. Ngayong wala na si Mang Dolphy, naiwan kay Zsa Zsa ang mag-isang pagbuhay sa kanilang mga anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …