ni Maricris Valdez Nicasio
NATURAL lamang sigurong makaramdam ng pagka-inggit si Sarah Geronimo kay Yeng Constantino na engaged na sa kanyang unang boyfriend.
Ayon sa abs-cbnnews.com, hindi itinago ni Sarah ang pagka-inggit kay Yeng lalo’t kaibigan niya ito at unang BF pa ng singer si Yan Asuncion. Nasa 25 taong gulang na nga naman si Sarah pero tila wala mailap ang tunay na pag-ibig.
Bagamat walang inaming naging BF si Sarah, nabalita namang nakipagmabutihan na ang aktres/singer noon kina Rayver Cruz, Gerald Anderson, at Matteo Guidicelli.
Bagamat hindi naman nagmamadali si Sarah na makapag-asawa na, nasabi nitong sa edad 25 ay nasa marrying stage na nga pala siya.
Wish naming na makahanap ng tamang lalaki si Sarah na magugustuhan ng kanyang mga magulang.