Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiza, stage BF kay Liza

ni  Roldan Castro

STAGE boyfriend ang tukso kay Aiza Seguerra nang makita sa presscon ng Mira Bella. Akala nila ay siya ang kakanta ng theme song o kasama siya sa serye.

Sinamahan lang pala niya ang girlfriend na si Liza Diño na kasama sa bagong serye.

Talbog!

Julia, todo ang suporta ni Gretchen

HANDANG-HANDA na talaga para magbida sa isang teleserye si Julia Barretto. Mamarkahan na siya ngayong March 24 para sa Mira Bella na katambal niya sina Enrique Gil at Sam Concepcion. Mas marami raw siyang natutuhan sa dalawa dahil mas matagal na sila sa industriya at mas maraming experiences.

Dugong Baretto si Julia kaya nananalaytay sa kanya ang kagalingan sa pag-arte at hindi siya ‘palpak actress’. ‘Wag lang siyang madaliin na next month ay may award na siya ‘pag ipinalabas na ang Mira Bella.

Sabi nga ng Dreamscape Entertainment  Television’s advertising promotions head  na si Biboy Arboleda, ”Huwag tayong lumihis sa value at objective ng isang teleserye o isang programa. Isa lang ‘yan, eh, the objective is to entertain.”

Tinanong din si Julia kung sino ang gusto niyang sundan ang yapak, ang career ni Claudine o niGretchen?

“’Pag career, honestly sa Tita Claudine ko,” buong ningning niyang sagot dahil fan daw siya ng mga teleserye at pelikula ni Claudine.

Eh , kay Gretchen?

“Everything about her is fabulous. Kahit nagtatrabaho siya, ang energy niya para go lang. Beautiful pa rin, mabait, generous, at magaling makisama,” sey pa ni Julia.

Todo ang suporta ni Gretchen sa pamangkin dahil kahit sa Instagram Account nito ay nagpo-promote siya ng Mira Bella.

Pero pagdating kay Claudine ay wala silang communication. Pero darating din ang time na magkakausap daw sila at magiging okey ang lahat.

Anyway, bukod kina Julia, Enrique, Sam, Pokwang, kukompleto sa cast ng Mira Bella sina Mylene Dizon, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Mika dela Cruz, Arlene Muhlach, Alora Sasam, John Lapus, at Gloria Diaz. Kasama rin si Dimples Romana para sa kanyang natatanging pagganap.

Ang Mira Bella ay sa ilalim ng direksiyon nina Erick Salud, Jojo Saguin, at Jerome Pobocan. Ito ay obrang pantelebisyon mula Dreamscape Entertainment Television.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …