Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash at Alexa, ire-remake ang Inday Bote!

ni  Reggee Bonoan

NAIINIP na ang supporters nina Nash Aguas at Alexa Ilacad kung kailan daw mag-uumpisang mag-taping angInday Bote at kung kailan ito ipalalabas.

Base sa email ng supporters ng dalawang bagets ng Luv U, nabasa raw nila na  gagawin nina Nash at Alexa angInday Bote remake na pelikula noon nina Richard Gomez, William Martinez, at  Maricel Soriano taong 1985.

Si Direk Wenn Deramas ang magdidirehe ng ng launching serye nina Nas at Alexa.

Tinanong namin ang taga-Dos kung kailan ang taping ng Inday Bote at kailan ipalalabas.

“Matagal pa, mga 3rd quarter (2014) pa ang airing kasi summer pa ang roll (taping),” say sa amin.

Ang Dreamscape Entertainment ang hahawak sa Inday Bote nina Nash at Alexa na siya ring may hawak saWansapanataym na matatandaang nag-worldwide trending ang Enchanted Episode ng dalawang bagets noong ipalabas ito.

Sina Nash at Alexa na talaga ang sumusunod sa yapak nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o KathNiel base na rin sa rami ng fans nila na aktibo sa social media.

Kaya sa mga nagtatanong  kung kailan mapapanood ang Inday Bote, bandang July, August o September pa, kasi ngayong summer pa ang taping.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …