Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, may dapat bang kainggitan kay Marian?

ni Alex Brosas

ON her Instagram account ay nag-post si Carla Abellana ng photo ng magazine article ni Heart Evangelista with this caption: ”On my way to work. Gandang babae naman nito. Sino ba to? Ah si @iamhearte ba? =ØÞ @cosmopolitan_philippines =؋ܔ

Ayun, mayroong nag-react ng nega at pinalabas pang nai-insecure si Carla kay Marian Rivera.

“r u jealous of Marian Rivera’s success/popularity? u r beautiful, successful, popular as she is no need to envy,” say ng isang maka-Marian.

Mayroon namang sumagot para i-defend si Carla.

“i think only the narrow minded people wud not be able to decipher between bashing and thoughful reminding.”

Iyon din ang reaction ng isang follower who said, “Exactly!..@reagreyes i dont see anything wrong with what @carlaangeline post. They are friends afterall…#chill:-)”

“Si @carlaangeline matalino, maganda, mabait, totoong tao, talented! Di nya kailangan mainggit.. I love @carlaangeline @iamhearte @lovi_poe @mercadojenny d’þd’þd’þ” pagtatanggol naman ng isang maka-Carla.

At ano naman ang kainggit-inggit kay Marian, aber?

Yasmien, kinuyog ng mga maka-Angel

KINUYOG ng lait ng fans ni Angel Locsin si Yasmien Kurdi.

Nag-post kasi si Yasmien ng ratings na wagi ang soap nila ni Jennylyn Mercado laban sa soap ni Angel.

Ayun, kung ano-anong batikos na ang natanggap ni Yasmien. Peke raw ang rating na kanyang ipinost. Sana raw ay nag-research muna ang aktres at hindi ‘yung basta-basta na lang ito nagpo-post.

Mayroong isang nagmahadera at sinabing kailan naman daw tinalo ng soap ni Jen ang teleserye ni Angel?

One guy claimed na Angel’s soap is always a trending topic kaya hindi raw kapani-paniwalang matatalo ito sa ratings.

Naku, ang fans ni Angel ay para yatang nagagaya na sa supporters ng isang reyna kuno, ha. Masyado na silang bayolente sa kanilang reactions.

Xian, nagpakita na naman ng kagaspangan ng ugali

NEGA na naman ang dating nitong si Xian Lim.

Lumabas kasi sa isang website na inisnab nito ang fans na gusto yatang magpa-autograph sa kanya.

Nasa airport daw itong si Xian. Mayroong fans na type yatang magpa-autograph sa kanya pero naangasan sa kanyang inasal.

Kasi naman, nagpakita kaagad itong si Xian ng kagaspangan ng ugali. Parang hindi approachable ang dating nito at ‘yung tipo bang umiiwas sa tao.

Ang nakakaloka pa, lumipat daw ito ng ibang upuan for fear na baka siya pagkaguluhan ng fans.

True ba ito, Xian?

Naku, ano ba itong si Xian, hindi na nadala. Maano ba naman ‘yung mag-smile ka and make yourself very comfortable with your fans. You owe your career to your fans, ‘no!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …