MAN of many talents si Anton Broas. Nakilala siya sa showbiz sa pamamagitan ng highly praised stage direction sa unang Miss Beauche International finals noong Disyembre sa Solaire Resort and Casino. At ngayon, nakikipag-usap siya sa EnPress (Entertainment Press Society) para idirehe ang Golden Screen for Movies sa Mayo.
Si Anton ay may-ari ng 22 branch/kiosk ng Beauche International around the country gayundin ang St. Louis Review Center (SLRC) na mas malapit sa puso niya. Ang SLRCC ang nangunguna ngayong review center for Nurses, teachers, Med-Tech, PT, Midwifery and Civil Service sa loob ng 25 taon. Pag-aari ito ni Dr. Roger Polo Tong-an na siya ring current and newly elected president ng Philippine Nurses Association.
Dahil rehistradong Nurse rin si Anton, naki-team up siya sa SLRC ni Dr. Tong-an at ngayon ay pag-aari na niya ang limang branch sa 28 branch ng SLRC nationwide.
Masayang ibinalita ng SLRC na 11 sa Top 10 topnotchers (dahil sa rami ng tie) ng Licensure Examination for Teachers (last January 26) ay mga review students ng SLRC.
Parehong galing sa SLRC ang nag-tie sa unang puwesto, ito ay sina Eduard A. Pagtulon-An ng Central Mindanao University at Daisy B. Reyes ng Xavier University. Nasa top 2 naman si Zarina I Villadolid ng UP Diliman at top 4 si Shaunell Mary Y Josol ng Bukidnon State College Malaybalay.
Top 6 si Joanne D Dacera ng UP Diliman, nag-tie rin ang top 7 na sina Abygail Mae P Dalipe at Julaila B. Ogwon na parehong galing sa University of Mindanao, Davao City; top 8 si Romel T. Gumobao mula pa rin sa University of Mindanao, Davao City. Three way tie naman ang top 9 na sina Katrina Quelyn U Lamboson ng University of Saint La Salle, Albert P Bayawa II ng Saint Louis University, at Zaidi P Ong ng UP Mindanao.