ni Reggee Bonoan
“KAPAG si Ai Ai delas Alas talaga ang humirit, sasakit ang tiyan mo sa katatawa”, ito ang say ng mga katotong dumalo sa grand presscon ng Dyesebel noong Huwebes ng gabi.
Natanong kasi ang komedyana kung nag-enjoy siya sa taping ng Dyesebel lalo’t kasama ang mga sireno.
Nakatawang sagot ni Ai Ai, “nagkalat ang mga jun-jun, masasaya ang mga direktora, mainit ang ulo kapag wala na ang mga sireno, masarap mag-taping, nagkalat silang lahat.
“Ang saya-saya kaya kapag umuuwi ang mga sireno, mga direktora, nagagalit, ‘wala na mga sireno?’
“Ako rin nagagalit,‘yung iba, maliliit (junj-un), ‘yung iba malalaki talaga, parang mga kabibe talaga, sarap ng mga kabibe, bongga.”
Sabay dagdag, “O ang saya-saya ‘di ba ‘pag bastusan? ‘Yun lang naman kaya ako tinanong n’yo?”
Samantala, tinanong ni Manay Ethel Ramos kung bakit tinaanggap ni Ai Ai ang Dyesebel gayung hindi siya reyna sa serye kahit isa na siyang ‘queen’ sa comedy at concert.
“Oo nga po, eh,nararamdaman ko na hindi na. Kasi alam n’yo naman ‘yung kontrata ko, guaranteed, so kung may work at wala, eh, sumusuweldo ako, so kailangan kong mag-work, kasi hindi naman sila (ABS-CBN management) ganoon kabait, eh.
“Kaya nag-work ako, rito (Dyesebel) ako nilagay, eh, sundalo lang po ako, sumusunod sa utos,” pagtatapat ng nag-iisang comedy queen.
Samantala, bukod kay Ai Ai ay kasama rin sina Sam Milby, Gerald Anderson, Albert Martinez, si Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Eula Valdez, Bodie Cruz, Markki Stroem, Erin Ocampo, David Chua, Neil Coleta, Young JV, Bangs Garcia, Nico Antonio, katotong Ogie Diaz, Andi Eigenmann, at Anne Curtis bilang si Dyesebel na mapapanood na sa Lunes, Marso 17 kapalit ng Honesto.